Enchong Dee's name cleared from car accident controversy

According to 'victim' Marlon Bonalos he felt pressured to answer negatively questions about Enchong and the accident in an interview by another network.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/13/2010 10:28 AM
Enchong Dee's name cleared from car accident controversy


Nakahinga na nang maluwag si Enchong Dee dahil sa wakas ay natapos na ang kontrobersya hinggil sa diumano'rsquo;y tinakbuhan niya ang kanyang responsibilidad sa isang lalaki na nakasangkot niya sa isang vehicle accident. Sa nakalipas na episode ng The Buzz ay nagsabi ng sama ng loob si Enchong dahil sa akusasyon sa kanya sa kabila ng pagmamalasakit niya sa isang nagngangalang Marlon Bonalos kahit pa na diumano'rsquo;y hindi naman siya ang responsable sa pagkaka-aksidente nito. Pero kahapon sa The Buzz ay inilabas ang bagong panayam ni Marlon at humingi na ito ng paumanhin sa aktor sa nauna niyang panayam at pag-aakusa kay Enchong na hindi siya tinulungan nito. Nagpasalamat pa si Bonalos dahil sa tulong na iniabot sa kanya ni Enchong.

"I'rsquo;m happy kasi sabi ko nga andaming problema na pwedeng masolusyunan ng magandang pag-uusap," tuwang-tuwang pahayag ni Enchong sa panayam sa kanya ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz. "There are things in life that you can'rsquo;t handle on your own, kailangan mo ang tulong ng ibang tao lalo na sa posisyon sa oras ngayon hindi pwedeng ako lang ang gumagawa ng solusyon," ito raw ang mahalagang natutunan niya sa pangyayaring ito. "Kumbaga, andaming nagmamahal, eh my parents, si Tito Keren (Pascual, talent manager-publicist ng actor) si Tita Mariole (Alberto, Star Magic head). Andaming pwede kong takbuhan sa lahat ng problemang dumarating sa akin."

Thankful din si Enchong dahil sunud-sunod pa rin ang kanyang mga proyekto, sa pelikula at TV. Kakatapos lang niyang gawin ang family-oriented movie na Sa 'lsquo;Yo Lamang at patuloy pa rin ang pamamayagpag sa ratings ng teleserye na Magkaribal. Ilalabas na rin very soon ang launching movie nila ni Erich Gonzales na I Do na under rin ng Star Cinema. "Ilang beses lang gumagawa ng pelikula ang Star Cinema in a year and to be included in two films lalo na magkasunod pa, I feel so blessed and privileged to work with them again and again," ani Enchong.

Ang nasabing pelikula nila ni Erich ay tungkol sa maagang pagpapakasal at pagbubuntis. Kung mangyari man daw ito sa totoong buhay, thankful si Enchong na may maganda siyang halimbawa at ito ay ang kanyang mga magulang dahil sa murang edad daw nagpakasal ang mga ito. "They handled it well hanggang ngayon magkasama sila ng 25 years and kailangang magtulungan para maging matatag ang relasyon." Idinagdag niya na maganda pa rin daw ang magpakasal muna bago magkapamilya para may blessing ng Panginoon.