Nina denies getting secretly married

The Soul Siren clarifies issues regarding her getting married to her non-showbiz boyfriend.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

7/9/2010 8:30 AM
Nina denies getting secretly married


Nagkaroon ng pagkakataon ang ABS-CBN.com na makausap ang singer na si Nina sa set ng ASAP XV. Agad naming pinuri ang kanyang pagiging blooming sa kasalukuyan na halatang truly inspired siya ngayon sa kanyang buhay. “Hindi naman. It's just that every work or commitment na natatapos ko, I make sure that nakapagpapahinga talaga ako.”

Kinamusta namin ang kasalukuyang estado ng career ni Nina sa bakuran ng ABS-CBN partikular ang pagiging visible nito sa ASAP XV. “Okay naman. Akala talaga ng iba ay exclusive talaga ako sa ABS, pero hindi naman dahil sa ASAP lang talaga ako naka-kontrata. Sobrang thankful lang din ako sa pag-aalaga sa akin ng ABS kahit wala akong exclusive contract sa kanila at kaya nga nakikita n'yo rin akong nagi-guest sa ibang stations, ‘di ba? Kumbaga, open naman ako except for ASAP XV,” kuwento pa ni Nina. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita rin ang Soul Siren sa isyung offer diumano sa kanya ng dalawa pang networks na maging host ng kani-kanilang variety programs. “Sabi ko naman sa ASAP, kumbaga ang loyalty ko ay nasa kanila, nasa ABS. As long as masaya ako sa ASAP XV, sa treatment nila sa akin ay hindi naman kailangang lumipat ako sa PO5 o sa Party Pilipinas. Basta kung saan nila ako nakikita at napapanood ay doon ako,” sagot ni Nina.

Hindi rin namin kinaligtaang kamustahin ang kanyang current love life kay Koy, ang lalaking nagsisilbi diumanong inspirasyon ni Nina ngayon. Itinanong na din naming kay Nina kung totoo bang secretly married na raw sila? “Okay naman kami. Almost three years na rin kami and gusto ko lang din linawin ang isyung yan. Hindi yan totoo dahil wala pa rin naman siyang sinasabi sa akin about it. Hindi pa nga siya nagpo-propose sa akin, ‘di ba? Siguro, pareho pa naming hindi pa feel, tapos siya ay hindi niya pa rin feel, siguro, nararamdaman niya rin sa akin na hindi ko pa rin feel, so, nasa right timing and feelings lang 'yun.”

Naging maboka si Nina sa pagsasabing hinding-hindi nito kayang i-give-up ang kanyang pinaghirapang career kung sakaling yayain na siyang pakasal ni Koy. “Oo naman. Hindi naman ibig sabihin na kapag nag-propose na siya sa akin ay marami na ang bawal sa kanya. Hindi naman ibig sabihin na kapag binigay mo na ang 'Oo' mo sa isang taong mahal mo ay dapat stricter na and everything. Hindi naman pupuwede 'yun sa akin. Siyempre, before anything else, napag-uusapan naman 'yun hindi ba? Pero wala pa naman siyang sinasabi sa akin honestly," paglilinaw pa ni Nina.