• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay says he is still very much in love with Angelica Panganiban

Derek Ramsay says he is still very much in love with Angelica Panganiban

Derek Ramsay says Angelica Panganiban is not just a girlfriend, she is also his friend.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

7/12/2010 12:50 AM
Derek Ramsay says he is still very much in love with Angelica Panganiban


Medyo naging emosyunal ang sexy and dramatic actor na si Derek Ramsay sa interview kahapon sa The Buzz with KC Concepcion nang pag-usapan ang kanyang relasyon kay Angelica Panganiban. Four years na ang couple pero halata pa ring in-love na in-love sila ni Angelica sa isa’t isa. “Alam n’yo ‘yung feeling na every part of your body is tingling… I don’t know what to say… it’s been four years (for us) like kanina na-interview ako tinanong kung ano ‘yung natutunan namin (like) what we worked on, sabi ko, ‘We didn’t really work on anything kasi we’re both being ourselves, not as a couple but as friends also,’” aniya.

Paliwanag pa ni Derek ang isang dahilan kung bakit lalo pang napamahal sa kanya ang girlfriend na aktres ay dahil willing siyang subukan ang mga interes at hobbies ng boyfriend sa halip na pigilan. “The world is there to explore and she’s a part of me so I want to share that with her. She’s willing to take (the challenge) that’s a big step, eh, to join me instead of stopping me (in) doing things that I love to do and at the end of the day she’s enjoying it too hindi na niya ginagawa para lang sa akin.”

Nilinaw rin ni Derek na gaya ng karaniwang magkasintahan, dumadaan din sila sa mga pagsubok pero sa halip na hayaan ang mga ito na sirain ang kanilang relasyon ay mas pinipili nilang ayusin at resolbahin ang mga di pagkakaunawaang ito. “We had misunderstandings, tampuhan sometimes ‘yung mga tampuhan na not even worth making tampo about,” ani Derek. Kapag daw may tampuhan sila, binibigyan nila ng panahon ang isa’t isa na mag-isip at pag-uusapan kapag nakapagpakalma na.

Sobrang thankful naman itong si Derek sa success ng kanyang teleserye, ang Magkaribal na patuloy ang pagtaas ng ratings. Sa pagbabakasyon nga nila ng kanyang girlfriend sa Africa sa loob ng isang buwan ay todo kayod si Derek upang makunan ang kanyang mga eksena bago ang bakasyon. At sa pagbabalik niya ngayon ay balik-trabaho na siya.