Carlos Agassi is proud to be a kontrabida on Agua Bendita

Carlos Agassi says it's challenging to play Baldo in ABS-CBN's top-rating show Agua Bendita.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

6/17/2010 11:47 AM
Carlos Agassi is proud to be a kontrabida on Agua Bendita


Nakausap ng ABS-CBN.com si Carlos Agassi sa set ng Agua Bendita while taping sa CCP Bay Ferry Terminal sa Roxas Boulevard kamakailan lang. Isang kontrabida role bilang si Baldo sa rated number one Primetime Bida show ng ABS-CBN ang ginagampanan ni Carlos na ayon pa sa aktor ay hindi biro. “It was really a very challenging role for me because hindi ganoon ka-dali ang role ko. Alam naman natin that I started sa pa-cute roles hanggang sa medyo nagka-edad na rin tayo at kailangang mag-shift na rin sa more mature roles like what am playing now dito sa Agua Bendita.”

Proud na ikinwento din ni Carlos na talaga naman nahahasa ang talento niya sa acting dahil na din sa mga kasamahan niya sa set. “Hindi naman nahirapan, nung una, hindi naman, kailangan lang siguro ng internalization sa role at dapat pag-aralan mo talaga ang script dahil salbahe talaga ang character ko dito. Challenging siya, na as an actor ay lalong nahahasa ang acting ko with my co-stars na magagaling din like nandiyan din si Dimples (Romana) na napakagaling din niya, ‘di ba? Si Andi, bilib ako sa kanya playing that dual-role na talagang halos wala ng pahinga yata. Minsan, nasa isang location siya, tapos after dun lipat na naman siya sa isang unit, nakaka-inspire. Nararamdaman ko kasi nung kasagsagan namin noon, ganyan din kami, halos wala ring pahinga."

Naitanong tuloy naming sa kanya kung anong totoong dahilan kung bakit siya nawala noon ng almost a year sa show business. “’Yun nga eh, ang daming nagtanong sa akin niyan before. Siguro, may karapatan din naman tayong magpahinga, may mga bagay-bagay lang talaga akong inayos at inasikaso kasama ng buong family ko, nagpahinga lang actually. There's no other reason kung bakit nawala ako, may nasusulat nga noon about me na kesyo dahil daw sa steroids na iniinom ko and everything kaya ako na-hospital na hindi naman talaga totoo,” aniya.

When ask about his current lovelife ay naging ma-sekreto talaga ang binata.
”Wala! Purely work right now. Hang-out with friends nga hindi na masyado kasi almost three times a week ako mag-taping ng Agua, minsan dito lang sa Metro Manila, minsan naman out of town, ganoon lang. Work, work, work muna ako and am happy with what's happening now sa showbiz career ko and sa love life ay walang bago," nakangiting pagtatapos ni Carlos.