• Home
  • Fresh Scoops
  • Johan Santos celebrates his birthday with the less fortunate

Johan Santos celebrates his birthday with the less fortunate

The former Pinoy Big Brother Housemate says he is glad to be able to finally help others in need.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

6/16/2010 11:59 AM
Johan Santos celebrates his birthday with the less fortunate


Last week ay isang surprise post-birthday celebration para kay Johan Santos ang in-organize ng kanyang mga avid supporters na Johanatics. Ginanap ito sa Holy Trinity Home for Children sa Sauyo, Novaliches kung saan kasamang nag-celebrate ni Johan ng kanyang 21st birthday ang mga kabataang ulila at kapus-palad. Isang pambihirang pagkakataon diumano sa buhay ni Johan kung saan natupad din ang kanyang inaasam noong makapagbigay at makapagpasaya ng mga kabataang salat sa buhay. “Dati-rati kasi, gustong-gusto ko na ang mag-birthday sa ganitong lugar, kaso lang that time ay walang-wala rin ako, kumbaga, wala rin akong pera that time. Ngayon naman, kahit papano ay nagkakaroon naman na tayo after PBB, gusto kong makapagbigay saya man lang sa mga batang ito na nakita naman natin kung gaano kahirap at kalungkot ang kanilang buhay, nakakabagabag ng damdamin para sa akin kasi ang hirap nung walang magulang, walang nagmamahal sa iyo na kapamilya mo kundi ibang tao, ‘di ba? Parang, ang lungkot naman ng buhay nila kaya 'eto, okay naman at nakita naman natin sila today na masayang-masaya sila at maraming salamat na rin sa mga tumulong sa akin na mga Johanatics ganoon din sa mga TFC Johanatics na sobrang nakakatuwa 'yung pagpapakita nila sa akin ng suporta sa ngayon palang na nag-uumpisa ako sa mga ganitong okasyon na tumutulong tayo at nagbibigay saya sa mga batang ito."

Nagpapasalamat din ang sumisikat na former Pinoy Big Brother housemate sa pamunuan ng ABS-CBN sa pagbubukas diumano ng napakaraming oportunidad para sa kanya. “Lahat naman ng blessings na dumating sa akin at dumarating ngayon ay dahil naman talaga sa pagsali ko sa PBB. Kaya nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil kung hindi sa kanila ay hindi ako nagkaroon ng ganitong break sa buhay. Like nagkaroon ako kaagad ng shows like Isla, tapos 'yung Precious Hearts Romances, tapos busy naman ako ngayon in preparation sa gagawin naming Bench Fashion Show this coming July 2 sa Araneta Coliseum titled UNCUT kaya busy ako sa pagwo-work-out ko, nakakatuwa na sana ay bigyan pa ako ng ABS ng marami pang projects para naman in my own little ways ay makapagbigay o makapag-share din ako ng blessings ko sa mga kabataang nangangailangan talaga," tugon pa ni Johan.
 
Patungkol naman sa naging screen partner nitong si Cathy Remperas ay nagbigay din ng kanyang pahayag ang aktor. “Nagkakausap naman kami ni Cathy. Sa ngayon lang kasi ay hindi kimi masyadong nakapag-uusap dahil nagkaroon lang ng medyo konting tampuhan na alam mo na....basta wala kaming naging M.U. (mutual understanding), oo, kapag magkasama kami ay sweet kami, normal lang naman siguro 'yung ganoong sitwasyon sa dalawang taong naging close na sa loob palang ng bahay ni Kuya, ‘di ba?" aniya.

Napabalita rin noon ang diumano'y pinalayas si Cathy ng kanyang non-showbiz boyfriend sa tinitirahan nitong bahay. Ano naman ang kanyang naiparating na tulong kay Cathy during those downfall days ng babaeng malapit sa kanyang puso? “Hindi pa naman siya lumapit sa akin. Kumbaga that time kasi ay magkatrabaho kami, nalaman ko lang din na may problema siya at may nangyaring ganoon sa kanya, so, sabi ko, tutulungan ko siya na makahanap ng kanyang matutuluyang house dito sa Maynila dahil sa totoo lang ay wala naman dito ang kanyang family, wala pa rin siyang alam dito sa Maynila. Tinulungan ko siya in my own little ways naman po."

Ano naman ang reaksiyon ni Johan sa isyung mayroon daw siyang gay benefactor? “Mayroon na po na chismis noon hanggang ngayon naman ay nandiy