Kitkat finds a new love

The comedienne says her new boyfriend has given her hope and the strength to fight for justice.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

5/28/2010 12:40 PM
Kitkat finds a new love


Naging maboka ang sikat na komedyanteng si Kitkat sa pagsasabing dismayado ito sa mabagal na pag-usad ng kaso at warrant of arrest na idinulog nito sa NBI at Camp Caringal laban sa dating boyfriend nitong nanloko sa kanya. “Medyo. Kasi nga, wala naman tayong ganoon ka-laking powers para mapadali ang lahat. Nakakalungkot lang na magi-isang taon na at wala pa ring nangyayari. Pero naintindihan ko rin naman sila, actually, kagagaling ko lang sa Camp Caringal nung isang araw to follow-up 'yung warrant of arrest dahil kailangan din 'yun or else baka mabaon lang sa baul ang lahat, ‘di ba? Napakabagal lang talaga ang proseso. Gustong-gusto ko na kasing makitang pinagbabayaran niya lahat ng ginawa niya sa akin, kasi, until now, kapag naiisip ko talaga 'yung pangyayaring 'yun sa aking buhay, my god, lungkot-lungkutan na naman ang drama ng lola mo sa buhay. Pero hindi naman na masyado dahil mayroon namang naga-guide na sa akin now, isang taong siyang nagbibigay sa akin ngayon ng pag-asa na life must go on at masarap ang buhay," mahabang bulalas ni Kitkat nang madatnan namin siya sa isang pictorial session ng Star Magic.

Kasa-kasama nga ni Kitkat for almost nine months na ang kanyang inspirasyon ngayon. Ang lalakeng nagbibigay buhay daw sa kanya sa araw-araw, si Walby. “Yes. Almost nine months na kami ni Walby. Huwag na lang natin ilagay apelyido para huwag naman maloka ang lolo mo dahil non-showbiz naman siya. Actually, sobrang pasalamat ako kasi siya 'yung nandiyan ngayon para sa akin. Sobrang bait na siya lagi ang kasa-kasama ko sa mga lakad ko and everything, para ko na nga siyang alalay, jusko day, okay siya at mapag-pasensiyang tipo ng tao na nagiging absorber ko na yata. Alam niya naman kasi na malaki ang tiwala ko sa kanya. Actually, kababata ko siya, kilala ko na ang buong pagkatao niya at kilala niya rin ang buong pagkatao ko, kaya ganoon na lang siguro ang biglang buhos ng tiwala ko sa kanya at pagmamahal sa kanya na hopefully, hindi na ako iiyak sa kanya,” kuwento pa sa ABS-CBN.com ni Kitkat.

Balita namin ay magpapakasal na sila this within the year ni Walby? How true? “Actually, anytime naman ay nakahanda na kaming pareho especially ako. Kung anuman ang mangyari, ready na ako na harapin ito. Kaso lang, wala pa talagang ganoon eh! Hindi pa rin naman siya nagpo-propose sa akin, wala naman siyang nasasabi sa akin o nababanggit man lang, so ang lola mo, wait lang! At saka, hindi naman kami nagmamadali ni Walby, basta kung dumating, darating naman 'yun eh, ‘di ba? As of now, wala pa akong natatanggap na proposal. Hinihintay ko lang actually," natatawang sagot ni Kitkat.

Busy rin si Kitkat sa mga out of town and out of the country shows nito. Isang show sa TV din naman ang nakatakdang gawin ni Kitkat sa bakuran ng ABS-CBN.