Ejay Falcon insists he is not 'pikon'

Ejay says he gets affected by rumors but has learned that it is all part of show business.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

5/17/2010 12:37 AM
Ejay Falcon insists he is not  'pikon'


Once and for all ay binigyang kasagutan ni Ejay ang mga isyung pinupukol ngayon sa kanya. Tulad ng isyung mahina raw ang kanyang memorya lalo na sa mga linya nito sa taping. “Hindi naman po. Sobra naman po sila. Basta, para sa akin, alam po 'yun ng mga taong naka-trabaho ko at ka-trabaho ko po ngayon na ginagawa ko rin naman pong makakaya ko, pinagsisikapan ko pong maibigay ang best ko na maging maayos at maganda ang kinalalabasan ng mg ginagawa kong eksena dahil alam din naman po nilang mahal na mahal ko ang trabaho ko.”

Pikon daw si Ejay kaya naman halos hindi matapos-tapos ang pang-iintriga sa kanya? Ano naman ang kanyang mensahe sa kanyang mga detractors? “Kung pikon po akong tao, siguro po ay wala na ako ngayon sa showbiz. Hindi po ako pikuning tao. Minsan, siyempre, kapag may naririnig kang isyu na hindi naman po totoo, minsan nakakainis na rin po, pero sabi nga nila, kasama daw po talaga 'yan sa showbiz kaya ayun, okay na sa akin. Sa mga detractors ko, okay lang po kung talagang ayaw nila sa akin, wala po akong magagawa. Para sa akin, hindi ko na lang pinapahalagahan at pinapansin ang mga negative write-ups sa akin. Pero siyempre, tinitingnan ko rin naman po kung tama ba sila o mali, tao lang din po ako,” pagtatanggol ni Ejay sa kanyang sarili sa isyu.

Sikat at magbibida na nga si Ejay sa kanyang sariling edisyon ng Agimat na “Pepeng Kuryente.” Ano naman ang pakiramdam sa pagpapahalaga at pag-aarugang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN since nanalo sa siya Pinoy Big Brother? “Masayang-masaya po ako. Napakaraming kabataan po diyan ang gustong magkaroon ng ganitong break na nararanasan ko po ngayon, maraming kabataan diyan ang nangangarap na makuha ang ganitong blessings. Sobrang utang na loob ko po ito sa ABS-CBN, sa pagtitiwalang ibinibigay po nila sa akin. Hindi ko po inaasahang magkakaroon po ako ng sarili kong show o mapabilang po ako sa bagong set po ng bida ng Agimat,” sagot ni Ejay na may malaking ngiti sa kanyang mukha.