• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo stresses she and Rayver Cruz were never a couple

Sarah Geronimo stresses she and Rayver Cruz were never a couple

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

4/23/2010 9:19 AM
Sarah Geronimo stresses she and Rayver Cruz were never a couple


Mariing itinanggi kamakailan ni Sarah Geronimo na nakipaghiwalay daw siya kay Rayver Cruz dahil hindi naman daw sila naging magkarelasyon. “Paano mangyayaring magbe-break up kami hindi naman kami? We are close friends. Tsaka may dini-date ‘yon, hindi ako,” pagbubunyag pa ng singer-actress.

Ipinagtanggol din ni Sarah ang kanyang mga magulang na diumano’y humaharang sa relasyon nila ni Rayver. “Sina mommy tsaka si daddy, hindi pa rin po sila ready for me to be committed. May pinag-aaral pa ako, may career pa ako. Basta ako at si Rayver, kami’y magkaibigan.” Hindi rin niya itinangging espesyal sa kanya ang binatilyo dahil lahat daw ng kaibigan niya ay pinapahalagahan niya.

Flattered naman ang dalaga sa mga nagsasabing lucky charm daw siya sa lahat ng mga nagiging leading man niya dahil nagiging successful daw ang team-up kapag siya ang leading lady. “Siyempre happy naman ako to hear that from those people, dahil ako ay very blessed lang na mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang katulad nina John Lloyd Cruz, Luis Manzano,” ani Sarah.

Hindi raw siya makapaniwala na binansagang lucky charm siya, lalo pa’t ang mga nakakatrabaho niya ay mga tinitingala niyang artista gaya ni Judy Ann Santos na makakasama niya sa isang pelikula. Minamadali na rin umano nila ngayon ang kanilang pelikula dahil din sa lumalaki na rin ang tiyan ng Judai.