• Home
  • Fresh Scoops
  • Zaijan Jaranilla says he enjoyed doing voice acting for RPG:Metanoia

Zaijan Jaranilla says he enjoyed doing voice acting for RPG:Metanoia

The child star shares that it felt like he was playing when he was dubbing for the MMFF animation entry.

BY DOMINIC REA

FRESH SCOOPS

12/8/2010 8:29 AM
Zaijan Jaranilla says he enjoyed doing voice acting for RPG:Metanoia


Bago magtapos ang taong 2010, everything you thought you know about Philippine animation will change dahil ngayong pasko, Ambient Media, Star Cinema and Thaumatrope Animation are proud to present RPG:Metanoia, sa direksiyon ng veteran animator na si Louie Suarez. Isa ito sa mga entries sa darating na Metro Manila Film Festival. Sa pelikulang ito, pangunahing character pala ang ginagampanan ng child superstar na si Zaijan Jaranilla, who's also present during the press con at nagkaroon ng chance ang PUSH to interview Zaijan.

"Maganda po itong movie. Ako po dito si Nico, tapos kapag nandun po ako sa loob ng RPG:Metanoia, ako naman po si Zero," kwento ni Zaijan. "Mahilig na po talaga akong maglalaro ng e-games po, kapag nasa bahay lang po ako, 'yung wala po akong taping o trabaho po."

Sa murang edad ni Zaijan ay subsob na nga sa trabaho ang bata para sa kanyang pamilya. "Opo, pero masaya naman po ako dahil tuloy-tuloy po 'yung trabaho ko po, nabibili ko na rin po kung ano po 'yung gusto ko, opo, may ipon na rin po ako."

Habang ginagawa nga raw niya ang dubbing ng RPG:Metanoia ay parang naglalaro lang din daw siya at never na-get-bored. "Opo, masaya kasi, parang habang nagda-dubbing po ako sa mga eksena ko po, parang naglalaro nalang din po ako," kwento pa niya.

Kinamusta na rin namin si Zaijan kung anu-ano naman ang kanyang plans this coming Christmas. "Magiging masaya po kami ng buong family ko po. Simple lang po, tapos uuwi po kami sa probinsiya namin, sa Marinduque po. Bago po kami siguro uuwi, bibili napo ako dito ng regalo po," simple at magalang na sagot ni Zaijan.