Sharon Cuneta and Aga Muhlach finally reconcile

The Megastar says she was really affected with her and Aga's misunderstanding and is so relieved it is over.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/5/2010 8:26 PM
Sharon Cuneta and Aga Muhlach finally reconcile


Sa wakas ay nagkabati na ang nagkairingang magkaibigan na sina Sharon Cuneta at Aga Muhlach pagkatapos pagpiyestahan ang kanilang tampuhan sa loob ng isang linggo. Last week sa The Buzz ay ibinalita ng misis ni Aga na si Charlene Gonzales na nagkausap na sina Megastar at Aga. "Para lang akong nabagyo kasi (sa nangyari). Tsaka nagulat ako parang national issue, ba'rsquo;t ganon?" ani Shawie sabay tawa. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib sa pagkakasundo nila ni Aga. "Andaming nangyari. Ayoko rin namang nagkakasakit ako dahil hindi ako nakakakain dahil sa kakaisip, tulad last week."

Bahagya ding na-ikwento ni Sharon kung paano naganap ang pagkakasundo nila ni Aga. "Basta nag-uusap kami. Pinuntahan niya ako tapos nag-usap kami. Apologies were exchanged (and) accepted 'lsquo;yun lang," ani Sharon na sinabing pareho silang nag-effort ni Aga. Aniya, maganda raw na nagkaayos sila ng aktor. "Ang mag-friends naman ganun talaga dapat, nag-uusap, eh okay naman. Marami pa rin akong tanong pero ayoko nang magtanong, wala na. Wala na 'lsquo;yon."

Dagdag pa ng Megastar, mapagpatawad siya sa kaibigan pero sa kasalukuyan ay kaunti lang ang oras nila sa isa'rsquo;t isa. "Hindi na kami kasing dalas na mag-keep in touch. Siguro life happens, so kanya-kanyang pagka-busy kami ngayon," paliwanag niya. 'nbsp;
'nbsp;
Nakagugulat naman ang sagot ni Sharon nang tanungin kung matutuloy pa ba ang pelikula na dapat ay noon pa nila ginawa. "Siguro huwag na natin munang pag-usapan, pagod na pagod ako. Napagod talaga ako. Isang linggo rin ng buhay ko 'lsquo;yon! Ako naman I'rsquo;ve always known na friendship talaga is you keep it special. Basta kami ni Aga nagkakaintindihan kami. Basta nag-usap kami, ayos na kami." 'nbsp;