• Home
  • Fresh Scoops
  • President Aquino says no one would date him now for fear of becoming part of the headlines

President Aquino says no one would date him now for fear of becoming part of the headlines

Another girl is rumored as the new apple of the eye of President Noynoy Aquino.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/5/2010 8:30 PM
President Aquino says no one would date him now for fear of becoming part of the headlines


Ibinalita kahapon sa The Buzz ang diumano'rsquo;y "bagong babae" sa buhay ni President Noynoy Aquino. Matatandaang kamakailan ay umingay ang balitang nagkakamabutihan na si PNoy at ang kanyang stylist na si Liz Uy subalit nagkaroon ng panibagong anggulo nang lumabas sa isang lifestyle website kamakailan ang balitang nakita diumano ang pangulo sa isang restaurant sa Makati na may kasamang isang babae.

December 3 naman noong lumabas sa front page ng Philippine Star ang larawan ni PNoy kasama ang sinasabing babae na pinangalanang Len Lopez, isang 38-year-old na stockbroker. Sinabi rin na si Len ay kamag-anak ng mga Lopez na may-ari ng ABS-CBN at Ateneo graduate na kasabayan nina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at Luli Arroyo, anak ni former president Gloria Macapagal-Arroyo.

Subalit sa kanyang speech sa isang pagtitipon sa probinsya ay idinepensa ni PNoy ang sarili. "Ako po'rsquo;y napaka-friendly na tao, obligasyon ko po na maging friendly sa lahat," aniya. Nakiusap din siya na sana ay bigyan siya ng privacy lalo pa'rsquo;t wala naman siyang ginagawang masama. "Eh wala (nang) gustong makapagkilala sa akin dahil iba-banner n'rsquo;yo nga kaliwa'rsquo;t kanan. Wala naman ho siguro ditong nagkaligawanan ever na inimbita 'lsquo;yung buong bayan. Baka naman pwede kong matamasa ang parehong pribilehiyo at kung hindi naman, kunsensiya na ninyo," matapang niyang pahiwatig.'nbsp;