John Lloyd Cruz: Pwede na akong mag-asawa pero ayoko muna.

The actor says he would choose his acting career over love.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/5/2010 8:38 PM
John Lloyd Cruz: Pwede na akong mag-asawa pero ayoko muna.


"Pwede na akong mag-asawa pero ayoko muna." Ito ang makahulugang pahayag ni John Lloyd Cruz kahapon sa The Buzz nang tanungin siya ni Boy Abunda kung handa na ba siyang magpakasal. "Pwede na, eh, (pero) ayoko muna. Andami ko pang kayang ibigay, kumbaga 'lsquo;yung potential ko bilang tao, bilang miyembro ng industriyang ito, gusto ko pang i-maximize, gusto ko pang isagad. Ipon muna tayo siguraduhin mo 'rsquo;yung investment mo (ay) tama. Darating tayo do'rsquo;n. Ideally between 33-35 (ako magpapakasal)," paliwanag ni Lloydy.'nbsp;

Hindi naman niya itinanggi na sa ngayon, mas pipiliin niya ang kanyang career over love. "Ngayon kasi I'rsquo;m 27, I'rsquo;m supposed to be doing what I'rsquo;m doing now. Kumbaga eto 'lsquo;yung tamang edad, tamang panahon na dapat kang magtrabaho, mag-ipon mag-invest para in the future, ready ka. In other words, trabaho muna."

Muling itinanong kay Lloydy kung handa ba siyang gumawa uli ng pelikula kasama si Sarah Geronimo matapos tumanggi ang aktres na gawin ang ikatlong film installment ng A Very Special Love. "Wala naman akong nakikitang problema kung bakit hindi posible," mabilis na sagot ng aktor. "Sa totoo lang dati parang, ano ba, bakit parang may nagsasara ng pintuan sa posibilidad na magkaroon ng pelikula kami?" Binanggit nga niya ang pagtanggi ni Sarah na gumawa ng pelikula sa ngayon. "And now kung magkaroon ngayon ng posibilidad, sa akin, hindi naman nawala 'lsquo;yun eh. Ako at the end of the day 'lsquo;pag sinabi ng Star Cinema at na-convince ako at ang material na binibigay nila, walang problema."