• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson approves of Kim Chiu and Piolo Pascuals upcoming movie team-up

Gerald Anderson approves of Kim Chiu and Piolo Pascuals upcoming movie team-up

Gerald Anderson reveals that Piolo Pascual talked to him about being Kim Chiu's next leading man.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/5/2010 8:45 PM
Gerald Anderson approves of Kim Chiu and Piolo Pascuals upcoming movie team-up


Sa ginanap na Kapamilya trade launch sa PICC noong Disyembre 3, kakaibang Gerald Anderson at Kim Chiu ang napanood ng advertisers at iba pang guests. Magkasunod na nagpasiklab on stage ang dating magka-love team para sa kani-kanilang proyekto sa 2011. Una na rito ang Your Song Presents Kim kung saan sexy at mas mature ang mga gagampanang papel ng aktres simula ngayong buwan ng Disyembre. Siguradong aabangan din ang teleserye ni Kim kasama si Matteo Guidicelli na ang title ay "Binondo." Handa namang sumabak muli sa aksyon si Gerald sa Wansapanataym Presents Buhawi Jack.

Pagkatapos ng kanilang production number ay nakapanayam ng ilang ABS-CBN reporters sina Kim at Gerald. Masaya daw sila para sa isa'rsquo;t isa lalo na ngayong nabibigyan sila ng pagkakataon na mag-grow bilang individual artists. Ibinahagi din ni Gerald na excited siya para sa nalalapit na tambalan nina Kim at ng ultimate heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual. "That'rsquo;s really an honor para kay Kim kasi malaking opportunity iyon para makatrabaho ang isang Piolo Pascual. Ang galing nga eh. Nagpaalam pa talaga siya (Piolo) sa akin. Out of respect siyempre gagawin talaga ng isang lalake 'lsquo;yan."

Natawa na lang din sila nang hingin ang kanilang reaksyon ngayong pareho na silang kasapi sa samahan ng malalamig ang Pasko. "Hindi naman. May mga pamilya din kami. Sila ang kasama namin and we'rsquo;re very happy," ani Gerald. Matatandaang kamakailan ay umamin si Gerald na totoong nagkamabutihan sila ni Bea Alonzo pero sa huli ay napagpasyahan nilang maging friends na lang. Ayaw ng magkomento ulit ni Gerald tungkol dito maging sa reaksyon ng fans ngayong hindi na sila masyadong magkakatrabaho ni Kim. "Tapos na po yun, paulit-ulit na lang. Let'rsquo;s just move on."