• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson knows his new team up will result to controversies

Gerald Anderson knows his new team up will result to controversies

The actor has resolved to focus on positive things in the coming year.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/27/2010 8:28 AM
Gerald Anderson knows his new team up will result to controversies


Matindi ang mga pinagdaanang intriga ni Gerald Anderson noong nakaraang taon lalo na iyong may kinalaman sa kanyang leading lady na si Kim Chiu. Naayos naman ang lahat at sa paghihiwalay muna ng kanilang love team ay nanatiling maayos ang kanilang pagkakaibigan. "'rsquo;Yung bond namin hindi masisira, she'rsquo;ll always be special," pahayag ni Gerald tungkol kay Kim.
'nbsp;
Iwas naman si Gerald nang kamustahin siya at ang relasyon niya ngayon kay Bea Alonzo na diumano'rsquo;y naging girlfriend niya dati. "Okay naman. Lahat naman kami masaya," safe na sagot ni Gerald. Iniwasan naman ng aktor na magkomento hinggil sa isyung pagkakaroon niya ng love triangle with Kim at Bea. "Wala po focus muna ako sa positive stuff and 'lsquo;yun lang ang gagawin ko ngayon," diin niya.
'nbsp;
Kung si Kim ay itatambal muna kay Matteo Guidicelli para sa upcoming teleserye sa 2011 na Binondo Girl, si Gerald naman ay magkakaroon ng dalawang leading ladies sa dalawang magkahiwalay na proyekto; kay Sarah Geronimo para sa pelikula at kay Jewel Mische para sa teleserye.
'nbsp;
Masaya namang ibinalita ni Gerald na nakapag-meeting na siya kasama sina Sarah para sa gagawing pelikula next year. "Nag-meeting kami nagkaroon kami ng bonding, workshop lahat kami pareho kaming excited. Sobra kaming excited syempre kinakabahan (andun) 'lsquo;yung pressure but 'lsquo;yung excitement ang nangingibabaw sa lahat," pag-amin ng aktor.
'nbsp;
Dagdag pa ng aktor, nagkaroon na siya ng pagkakataon na makilala ang aktres na si Jewel pero hindi pa nila ganun kakilala ang isa'rsquo;t isa. "Nakilala ko na siya pero hindi ko pa siya nakakausap but sa nakikita ko at sa mga naririnig ko ay mabait at excited din siya."
'nbsp;
Hindi naman nangangamba si Gerald sa posibilidad na ma-link siya sa kanyang mga bagong leading ladies. "Kahit hindi kami single, alam ko mali-link pa rin kami sa isat-isa dahil magkasama kami sa trabaho. But sa amin gagawin lang po namin 'lsquo;yung trabaho namin."