Are Bea Alonzo and Zanjoe Marudo dating?

Bea Alonzo is elusive to the question if she and Zanjoe Marudo are going out on dates.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/27/2010 8:17 AM
Are Bea Alonzo and Zanjoe Marudo dating?


Usap-usapan ngayon ang diumano'rsquo;y pagkakamabutihan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Pinag-usapan sa The Buzz kahapon na madalas umanong makitang nagdi-date ang dalawa at umamin na rin diumano si Bea sa ibang mamahayag sa print.
'nbsp;
Sinabi rin sa report na una umanong nakita ang dalawa sa Star Magic Ball at pagkatapos ay sa Magkaribal cast party. Si Zanjoe daw ay ang isinamang date ni Bea.
'nbsp;
Nang ganapin noong nakaraang linggo ang ABS-CBN Christmas special, may mga reliable source na nagsabing may ibang closeness na namamagitan sa pagitan ng dalawa.
'nbsp;
Nang ma-interview naman ng The Buzz team si Bea ay umiwas naman ito sa tanong. "Oy, good year nga 'lsquo;yung 2010 'lsquo;no! Huwag na nating papangitin," pakiusap ni Bea.
'nbsp;
Kinumpirma rin ni Toni Gonzaga na lumalabas-labas na nga raw ang dalawa, na kasamahan niya sa ASAP. Naikuwento rin ni Toni ang isang pagkakataon na natiyempuhang nagdi-date umano sina Bea at Zanjoe. "Sa Metrowalk kasi after ng party ng My Amnesia Girl we all went to Metrowalk dun sa bar ni Atoy Co. Sobrang dami ng tao, dun lang kami sa labas. Aalis na ako parating na si John Lloyd (Cruz), ni-report sa akin ng mga tao do'rsquo;n, 'lsquo;Guess what kung sino ang mga taong naki-party sa atin?'rsquo; Si Bea and si Zanjoe din daw."
'nbsp;
Matatandaang noon pa man ay nali-link na si Bea kay Zanjoe bago pa noon pumutok ang balitang inili-link sina Bea at Gerald Anderson.