• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz takes full responsibility for the rift between Cristine Reyes and Sarah Geronimo

Rayver Cruz takes full responsibility for the rift between Cristine Reyes and Sarah Geronimo

The actor shares that the important lesson he has learned is that you cannot please everybody.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/19/2010 9:44 PM
Rayver Cruz takes full responsibility for the rift between Cristine Reyes and Sarah Geronimo


Nagsalita kahapon si Rayver Cruz sa The Buzz hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Cristine Reyes at Sarah Geronimo na dati ring na-link sa kanya. Kinumpirma ng aktor na naging sila ni Cristine noong Abril pero nagdesisyong maghiwalay dahil masyadong naging mabilis ang pagpasok nila sa relasyon. "Napagdesisyunan namin na mas kilalanin ang bawat isa," ani Rayver. Naging magkaibigan ang dalawa at lumabas-labas at muling nagkabalikan.

Hindi naman niya direktang sinagot si Boy Abunda sa tanong kung naging sila ba ni Sarah. "Totoong minahal ko po si Sarah and dahil nga kasi nirerespeto ko ang desisyon ng mga magulang niya at alam ko naman talaga na bawal pa (siyang magkarelasyon) so ako na rin po mismo ang lumayo."

"Pero napakasuwerte ng taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya pagdating ng tamang panahon kasi po napakabuting tao talaga ni Sarah. Pero sa kabila ng lahat napakasuwerte ko pa rin po ngayon kasi alam ko may taong nagmamahal sa akin nang sobra at may taong mahal ko nang sobra-sobra," aniya na ang tinutukoy ay si Cristine.

Nilinaw rin ni Rayver na hindi siya nagtatago nang pumutok ang balita hinggil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sarah at Cristine. "Simula'rsquo;t sapul tahimik lang talaga ako and bihira talaga akong magsalita pero sa ngayon kasi ito ang tama. Ito ang dapat gawin so ito ang ginagawa ko. Sa kabila ng lahat ng pangyayari kung meron mang dapat sisihin ako 'lsquo;yon, kinukuha ko 'lsquo;yung responsibilidad para sa lahat ng pangyayari. Inaako ko lahat," sabi ni Rayver.

Inamin din niyang siya ang nagbalita kay Cristine tungkol sa sinabi ni Sarah sa ASAP XV rehearsal na ang magagaling sumayaw ay habulin ng mga seksing babae. "I take full responsibility for everything kasi nga alam ko naman na tama ang ginawa ko. Naging honest lang ako sa girlfriend ko and lahat naman ng bagay bago ko ginagawa pinag-iisipan kong mabuti."

Itinanggi rin niya na sinaktan niya si Sarah nang ma-link siya rito noon. "Pinalaki ako ng magulang ko lalong-lalo na ng tatay ko na huwag gumawa ng kamalian o kasalanan sa isang tao kaya wala akong anumang intensyong makasakit o makasama ng loob sa kapwa nating tao, lalong-lalo na kay Sarah."

Kung may natutunan man daw siyang importanteng aral, ito ay katotohanang hindi lahat ng tao ay pwede niyang mapasaya. Pero ang pinili raw niya ngayon sa kanyang buhay ay ang maging masaya at mapasaya ang taong mahal niya. 'nbsp;

Para naman sa kanyang mensahe kay Sarah, heto ang binitawang pahayag ni Rayver, "Kailanman wala akong intensyon na saktan ka at sa kabila ng sinasabi ng lahat ng tao sana ako 'lsquo;yung paniwalaan mo na nirerespeto talaga kita." 'nbsp;

Very sweet naman ang aktor sa kanyang mensahe sa kanyang girlfriend na si Cristine. Sinabi niya na palagi raw siyang nasa tabi ng aktres at nakita niya rito kung gaano siya kamahal ng aktres. At ang importante raw ay masaya sila sa piling ng isa'rsquo;t isa.

Gusto rin daw ni Rayver na matapos ang ang isyung ito upang maging masaya ang kanilang Pasko.