• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on having a love life: Mauuna na si Presidente (Noynoy)

Kris Aquino on having a love life: Mauuna na si Presidente (Noynoy)

For the nth time, the Queen of All Media says that she will not talk about brother PNoy's love life in public.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/19/2010 9:07 PM
Kris Aquino on having a love life: Mauuna na si Presidente (Noynoy)


Sa ginanap na premiere night kahapon ng pelikulang Dalaw ni Kris Aquino ay personal na dumalo ang kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino bilang pagsuporta sa nakababatang kapatid. Nagkaroon din ng live feed ang The Buzz sa premiere night na ginanap sa Trinoma.

Nagbiro pa si Kris na mananahimik na raw siya pagdating sa usapang pag-ibig ng kapatid. "Hindi na natin pakikialaman forever for the rest of our lives ang buhay pag-ibig niya (Pres. Noynoy) para naman maging maligaya na siya talaga. Totohanin natin 'lsquo;yung 'lsquo;Do not disturb,'rsquo;" ani Kris. 'nbsp;

Super thankful naman ang Queen of All Media dahil sa personal na pagdalo ng kanyang kapatid upang magbigay suporta. "I'rsquo;m really grateful sa mga kapatid ko talaga na ginawa ang lahat para masuportahan ako because this is (my) first venture talaga as a co-producer," kuwento ng actress-host. "Ang gusto ko talaga maging maligaya ang kapatid ko at sino man ang magpapaligaya sa kanya mamahalin ko nang buong buo at aalagaan ko pa," dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Kris na wala siyang maipapakilala sa kanyang pamilya ngayong Pasko na special someone dahil wala pa at sinabing magkakaroon lang siya ng love-life kapag nakatagpo na ang pangulo. "Dadating din 'lsquo;yan pero mauuna na si presidente. Maghihintay ako 'lsquo;pag siya na ang nalagay sa tahimik. Siguro at that point malalagay na rin ako sa pang habambuhay na katahimikan so if that never happens for him it will also never happen for me," kuwento ni Kris.

Ibinalita rin ni Kris na simula ngayong Lunes ay magiging guest judge siya sa afternoon talent search show na Showtime bilang promotion sa Dalaw na kalahok sa Metro Manila Film Festival na magbubukas sa December 25.