• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca says he is willing to go naked for the right movie

Jake Cuenca says he is willing to go naked for the right movie

The versatile actor also denies claims that he had a relationship with a gay benefactor.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/19/2010 9:01 PM
Jake Cuenca says he is willing to go naked for the right movie


Mabilis na sumagot ng 'lsquo;hindi'rsquo; si Jake Cuenca sa The Buzz kahapon nang tanungin siya ng host na si Boy Abunda kung ito ay gumagamit ng steroids para magpalaki ng kanyang katawan. "Pinaghirapan ko po ang katawan ko," paniniyak ni Jake.

Si Roxanne Guinoo naman daw ang babalikan niya kung sakaling papipiliin siya sa mga babaeng na-link sa kanya kabilang sina Bea Alonzo at Sam Pinto.'nbsp; "Si Roxanne kasi marami po kaming pinagdaanan."

Noong ginanap ang Bench Uncut fashion show nitong taon na ito, si Jake ang finale kung saan nagkaroon siya ng butt exposure. Itinanong ni Boy kung willing ba siyang magkaroon ng frontal nudity kung kinakailangan ito sa pelikula. "I have my limitations pero may ginagawa akong pelikula na I did a scene na medyo maselan. Okay lang kasi maganda 'lsquo;yung film, eh. The movie has a great story dahil maganda ang materyal okay lang." Willing daw siyang mag frontal nudity kung maayos ang treatment sa eksena at maganda ang materyal.

Mabilis ding itinanggi ni Jake ang mga isyung may nakarelasyon daw itong bakla. "Aware ako sa mga issues (pero) hindi naman po ako naaapektuhan kasi alam ko naman ang totoo," diin niya.

Inamin din ng aktor na ang pinakamahal na regalo niya sa nililigawang si Melissa Ricks ay isang bag na nagkakahalaga ng higit sa P100,000. Wala rin daw katotohanan ang mga bali-balitang hindi boto sa kanya ang mga magulang ni Melissa pero inaming kailangan pa niyang patunayan sa mga parents ni Mel na deserving siya sa dalaga.

Nasabihan na raw niya ng 'lsquo;I love you'rsquo; si Melissa pero hindi pa siya sinasagot ng 'lsquo;I love you too'rsquo; ni Melissa. Wala pa raw silang relasyon ng dalaga pero umaasa si Jake na sasagutin na siya ng nililigawan ngayong Pasko.

Hindi naman sinagot ni Jake ang tanong kung may kinalaman kay Melissa ang pag-aaway nila ni Jason Abalos kamakailan at sinabing napagkasunduan na ng dalawa na hindi ito pag-uusapan sa publiko.