Cristine Reyes apologizes for being emotional and impulsive

In the spirit of Christmas, Cristine Reyes is open to reconciling with Sarah Geronimo.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/19/2010 8:54 PM
Cristine Reyes apologizes for being emotional and impulsive


Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay humingi na ng paumanhin ang sexy actress na si Cristine Reyes sa kanyang maaanghang na patama kay Sarah Geronimo matapos niyang mag-react sa pahayag ng Pop Star Princess sa rehearsal ng ASAP noong nakaraang linggo. Matatandaang nag-react si Cristine sa naunang pahayag ni Sarah na ang mga magagaling sumayaw ay habulin ng mga seksing babae. Boyfriend ngayon ni Cristine si Rayver Cruz na mahusay na dancer at dating na-link kay Sarah.

"Sa mga nasaktan, sa mga nadamay na tao pasensiya na po. Naging emotional at impulsive po ako. Sana maunawaan n'rsquo;yo po. Maging peaceful na sana ang Pasko nating lahat. Sana wala na pong manggatong at ipagdasal n'rsquo;yo na lang po na maayos namin (ang away). Kami lang po (ni Sarah) ang dapat mag-ayos nito. Kami lang po." 'nbsp;

Pati nga ang Megastar na si Sharon Cuneta ay nadamay na rin sa paghahangad niyang maayos ang gulo sa pagitan nina Rayver, Cristine at si Sarah na malapit na kaibigan ni Sharon. Inamin ni Sharon na kinausap niya si Rayver sa Christmas Special ng ABS-CBN sa Araneta Coliseum noong nakaraang linggo. "Ang ganda ang pagkakasabi ko. Ayokong pag-usapan ang exact words. Ang objective ko maayos dahil hindi naman kailangang magkaroon ng hidwaan ang tatlo," kuwento ni Mega.

Nilinaw rin niya na hindi nagsumbong sa kanya si Sarah kundi ang mga taong malalapit kay Sarah. "Alam ng Diyos not once did Sarah call or text or tell me or magparating (about the issue). Not at all."

Hindi naman nagustuhan ng Megastar ang mga diumano'rsquo;y pambabatikos sa kanya ng ilan dahil sa pagnanais niyang makatulong. Hindi naman niya sinabi kung ano ang mga pambabatikos na ito.'nbsp; "Nobody has the right to treat me like that, if I did not hurt that person."