Pokwang answers issues about her so-called attitude problem

Although many nasty things are being written about her, Pokwang says she has more friends who know who she really is.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/12/2010 11:05 PM
Pokwang answers issues about her so-called attitude problem


Sa The Abunda Challenge kahapon sa The Buzz ay hinarap ni Pokwang ang mga intrigang ibinabato sa kanya kabilang na ang diumano'rsquo;y pagbabago niya dahil sikat na siya ngayon.

Sinasabing mataray at mareklamo na raw si Pokwang at natatawang sinagot niya ang isyung ito. "Hindi naman po kasi pagpasok (ko) sa pinto, nagkasya pa naman," simula niya na nagbibiro. "Siguro po 'lsquo;yung mareklamo kasi ako gusto ko lagi mabilis 'lsquo;yung trabaho, gusto ko lagi maaga tayo makakauwi at ma-enjoy natin 'lsquo;yung mga bahay na pinagpuyatan natin, makasama natin 'lsquo;yung mga anak natin, pero hindi po to the point na halos nagwawala ako sa set. Nakikiusap ako nang maayos."

Isa pang tanong na ipinukol sa kanya ay insecure din daw siya kay Vice Ganda na walang dudang nasa peak ng kanyang tagumpay ngayon sa showbiz. Idinaan naman ni Pokwang sa biro ang kanyang sagot. "Hindi po ako dapat ma-insecure kay Vice kasi bilang siya po ay magandang binabae at bilang ako'rsquo;y mukhang binabae lang." Pero idiniin ni Pokwang na hindi naman siya insecure kay Vice.

Lagi ring ikinukumpara ngayon si Pokwang sa kanyang Pilipinas Win na Win co-host na si K Brosas. Tinanong siya ni Boy Abunda kung sino sa tingin niya ang mas magaling magpatawa, siya o si K. "Ang sabi po ng mga tagahanga niya (K) 'lsquo;yung mga followers niya si K. Ang sabi naman po ng mga tagahanga ko 'lsquo;yung mga followers ko, ako. Pero 'lsquo;pag pinasama mo kami, andami naming napapasaya." Nagbiro naman siya na siya ang mas magaling magpatawa.

Marami rin daw na masasakit na intriga ang nasusulat sa kanya subalit mas marami namang kaibigan ang nagpapasaya sa kanya at nagmamahal sa kanya.

Hindi naman sinagot ni Pokwang ang tanong na kung sino para sa kanya ang mas magaling bilang komedyante, si AiAi delas Alas o si Eugene Domingo.