Kim Chiu defends the Kimeralds from negative issues

The young actress defends Kimerald fans from negative issues such as being mean to any celebrity being linked to her or Gerald Anderson.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/12/2010 9:57 PM
Kim Chiu defends the Kimeralds from negative issues


Tanging pasasalamat lamang ang nasabi ni Kim Chiu kay Jewel Mische na tinuran ang una bilang nag-iisang reyna para kay Gerald Anderson kahit na magkaka-project ang dating GMA-7 artist kasama ang actor sa susunod na taon. "Thankful. Salamat sa kanya (Jewel) and masaya ako para sa tandem nila and excited na may ganun," ani Kim kahapon sa The Buzz.

Samantala, magkakaroon naman ng proyekto si Kim kasama si Piolo Pascual at excited ang dalaga sa pagsasama nila. "Siyempre Papa P (tawag kay Piolo). Lahat naman ng babae 'lsquo;pag tatanungin kung sino'rsquo;ng crush na artista sasabihin si Papa Piolo. Siyempre nakakahiya na nakaka-excite," sambit ni Kim. Kuwento pa niya nakasama na raw niya si Piolo noong nagkaroon ng Heartthrobs tour at nagkikita sa ASAP XV.

Kinumusta rin ng The Buzz host na si KC Concepcion ang mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson ngayong ang iniidolo nila ay may makakatambal nang ibang artista. Matatandaang naging negatibo ang tingin sa mga Kimerald fans nang magpadala diumano ang ilan sa kanila ng death threats nang pumutok ang isyung may relasyon umano sina Gerald at Bea Alonzo.

"Okay naman sila and andyan naman sila para sumuporta and umalalay sa amin (ni Gerald) at lagi pa rin silang pumupunta sa mga tapings. Sa taping ko ng Your Song lagi silang nandyan," anang aktres.

Ipinagtanggol din niya ang mga ito sa mga lumalabas na mga masasamang balita tungkol sa mga fans. "Gusto ko ring linawin hindi ko kinukunsinti ang mga fans. Bakit naman tayo maninira ng ibang artista syempre nagtatrabaho naman po tayo and kawawa din naman po 'lsquo;yung mga Kimerald fans lagi na lang po silang nasasabihan ng masama, lagi silang nasasabihan ng nang-aaway, eh hindi naman po talaga."'nbsp;