Cristine Reyes lashes out at a fellow celebrity on Twitter

The sexy actress lashes out at a 'drama princess' who supposedly embarrassed her in front of other celebrities.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/12/2010 11:21 PM
Cristine Reyes lashes out at a fellow celebrity on Twitter


Uminit na namang ang usapan sa social network na Twitter dahil sa mga pinakawalang statements ni Cristine Reyes hinggil sa diumano'rsquo;y pagpaparinig sa kanya ng isang drama princess na kasamahan din niya sa ASAP XV.

Sinimulan ni Cristine ang kanyang post sa mga katagang "I am so pissed right now" na naka-all caps pa. Pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang mga status niya tila nanenermon sa nasabing artista.

Kwento ni Cristine sa kanyang Twitter, sinabi umano ng nasabing kasamahan during the rehearsal of ASAP XV kahapon na "(Pag magagaling) magsayaw habulin ng mga babaeng sexy..." na tinutukoy umano nito ay si Rayver Cruz na nalilink ngayon sa aktress. Sa microphone pa sinabi kung kaya'rsquo;t dinig lahat ng naroon sa venue. Dugtong pa ni Cristine, "FYI mali ka ng dialogue e, baka habulin mo. Ikaw ang naghabol! binreak ka nga e!"

Tweet pa ni Cristine, "Hindi ko gusto 'lsquo;yun banat ng drama princess porket wala ako sa ASAP XV. Akala mo ba e hindi makakarating sa 'lsquo;kin? Punong-puno na ako sayo!" Hindi man pinangalanan ng sexy actress ang tinutukoy na 'lsquo;drama princess'rsquo; ay nagbigay naman siya ng clue. "Napakasweet at napakabait ng image mo! Bakit Hindi mo totohanin in real life?" ani Cristine. Pinaratangan din niya ang nasabing drama princess na mabait ang image pero, "Grabe ka lang umarte! Nagpapatanggal ka ng artista sa ASAP kasi di mo kaya makasama! Arte mo!"

Sinabi rin ni Cristine na ang nagpaparinig sa kanya ay nanggugulo lang, isang taong hindi maka-move on. "'rsquo;Wag mo ko paparinggan at sasabihan ng walang katotohanan wag mo ko simulan kasi marami ako alam na kaartehan mo! Idol pa naman kita!" aniya pa. "What a backstabber with a super goody-goody image and super sweet smile!"

Naglabas din ng iba'rsquo;t ibang reaksyon ang mga ka-tweet ng aktres na ang tinutukoy nito siguro ay isang babaeng dating na-link sa sinsabing boyfriend na niya na si Rayver.