Komedyante, sinisiraan si Komedyana

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

12/1/2010 6:26 PM
Komedyante, sinisiraan si Komedyana


LINGID sa kaalaman ng marami, may namumuong gap ngayon ang isang male comedian at female comedian. Si female comedian ang unang nakaramdam na may hindi magandang sinasabi at her back ang male comedian. Nagsimula ito nang matanggal ang male comedian sa isang show. Si female comedian ang ipinalit sa male comedian sa nasabing show. 'lt;p'gt;

Simula noon, marami nang nakakarating sa komedyana na di magandang sinasabi ng komedyante. Kapag nalalaman ng komedyante na may bagong show ang komedyana, tumatawag ito sa mga makakatrabaho ng komedyana para sabihing, "Mag-ingat kayo diyan!" Hindi lang minsan na nalaman ito ng komedyana, kundi maka-ilang beses na.'lt;p'gt;

Hindi maintindihan ng komedyana kung bakit sa kabila ng magandang pakikitungo niya sa komedyante ay sinisiran siya nito. Minsan na din silang nagsama sa shows locally and internationally. At higit sa lahat, iisa ang kanilang manager.