Kristine Hermosa says no exes on her wedding day

Although this is her second wedding, Kristine Hermosa says it still feels like the first time.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/8/2010 8:58 AM
Kristine Hermosa says no exes on her wedding day


Wala raw secret wedding na naganap ani Kristine Hermosa hinggil sa mga naglabasang larawan na tila ikinakasal sila ng kanyang fianc'eacute; na si Oyo Sotto. Ang mga nasabing larawan ay bahagi raw ng church activity nina Kristine at Oyo kasama ang iba pang mag-partners. "Hindi siya kasal parang isa sa mga seminars ganon. Part lang 'lsquo;yon ng isa sa mga church (activities) namin. Kasi may ibang kasama dun, eh hindi lang kami. Kami lang 'lsquo;yung artista don, so I guess kaya lumabas 'lsquo;yon," paliwanag ng aktres. "Marami pa actually 'lsquo;yung lumabas don, eh. Tinuturo kasi kung ano 'lsquo;yung parts ng wedding, ganun so hindi lang kami."

Ayaw rin tukuyin ng aktres kung kelan talaga mangyayari ang kasal nila ni Oyo pero sinabing magaganap ito next year. Enjoy naman daw ang pagpaplano ng kasal subalit aminado siyang may nararamdaman din siyang nerbiyos. 'nbsp;

Tinanong din ang aktres kung iimbitahan ba niya ang mga lalaking naging bahagi ng kanyang buhay, ang ex-boyfriend na si Jericho Rosales at ex-husband na si Diether Ocampo. "As much as I want to, kasi siyempre kasi naging parte din naman 'lsquo;yan ng buhay ko. Tsaka si Oyo din may mga naging parte din naman ng buhay niya, parang siguro separate party na lang. Pero on that day kasi 'lsquo;no exes'rsquo; na lang muna."

Pangalawang kasal na ito ni Kristine dahil naikasal na sila ni Diether noon pero pakiramdam daw niya ay first time pa rin siyang ikakasal. Pahayag niya, "The first one, bigla, hindi din naplano and parang sobra kaming innocent kung ano ba talaga. Parang wala kaming alam at all. Eto 'lsquo;yung first na talagang with all the happenings talaga tsaka 'lsquo;yung preparations so parang first time pa din."