• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on brother Pres. Noynoy dating Liz Uy: If they are getting to know each other, karapatan nila yon.

Kris Aquino on brother Pres. Noynoy dating Liz Uy: If they are getting to know each other, karapatan nila yon.

The Queen of All Media says there is nothing wrong if her brother and Ms. Uy are romantically involved with one another.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/8/2010 9:04 AM
Kris Aquino on brother Pres. Noynoy dating Liz Uy: If they are getting to know each other, karapatan nila yon.


Sa patuloy na pag-ingay ng mga bali-balitang nagkakamabutihan ngayon sina President Noynoy Aquino at personal stylist na si Liz Uy ay patuloy din ang ibat-ibang intriga gaya ng madalas diumanong makita ang dalawa na kumakain sa restaurant sa Metro Manila.

Iniulat kahapon na nakita raw ang dalawa na kumain sa isang fast food restaurant sa Quezon Avenue pero pinabulaanan ito ni Liz sa isang exclusive interview sa The Buzz. "Tanungin n'rsquo;yo 'lsquo;yung staff sa Quezon Ave., hindi ako pumunta don," paglilinaw niya.

Tinanong din sa nasabing isyu ang kapatid ni President Aquino na si Kris Aquino at ang natatawa niyang bungad, "Bakit naman sa Quezon Ave., parang ang layo?" Matalik na kaibigan din kasi ng Queen of All Media si Liz at para sa kanya ay walang masama kung may mamagitan man sa kaibigan at kuya niya. "Liz is very much single and so is my brother. If they are getting to know each other at this point, karapatan nila 'lsquo;yan. Ang gusto ko lang, maging happy sila. Nakikita man sila, wala naman kasi silang dapat itago."

Dagdag pa ng actress-host, bilib na bilib siya kay Liz dahil nang sila pa ni John Lloyd Cruz noon ay never nagsalita si Liz kahit na sikat ang kanyang dating boyfriend. "Ang pinakamaganda kay Liz and siguro pwede kong maipagmalaki is that she came from a very public relationship and she never spoke. Wala tayong narining na anything. Kung meron man nagaganap ngayon, wala rin tayong naririnig sa kanya. 'lsquo;Yung paghanga at respeto namin sa kanya, buong-buo talaga and nakikita ko naman kasi talaga na mabait, maalaga, maalalahanin and sincere si Liz."