• Home
  • Fresh Scoops
  • Carol Banawa clarifies statement regarding issues that close friend Kaye Abad already has a child

Carol Banawa clarifies statement regarding issues that close friend Kaye Abad already has a child

The talented singer says that she's very sure that her close friend has not had a baby yet.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/8/2010 8:49 AM
Carol Banawa clarifies statement regarding issues that close friend Kaye Abad already has a child


Balik 'lsquo;Pinas muna ang maituturing na original singing diva ng Star Records na si Carol Banawa para sa kanyang current album na My Music, My Life pero nilinaw niya na babalik pa rin siya sa Amerika pagkatapos ng kanyang series of projects.

Sa The Buzz kahapon ay nagsalita rin si Carol para linawin ang binitawan niyang pahayag kamakailan sa isang interview na sa kanyang matatalik na kaibigan sa showbiz ay si Rica Peralejo na lamang ang walang anak. Naging isyu ito dahil mas umingay ang matagal nang tsismis na may anak na si Kaye Abad kay Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda. Dati kasing bahagi ng youth-oriented show na Ang TV si Carol at kasabayan niya sina Rica, Jodi Sta. Maria, at Kaye.

"Nung napanood ko siya sa SNN, nagulantang kami ng nanay ko. Kasi weekend before that, nagkita-kita pa kami nina Kaye, Camille (Prats), ni Sarah, kapatid ni Kaye, tsaka si Melissa Avelino. Tapos nagkukuwento pa kami si Kaye na lang don ang hindi pa nanganganak. Kaming lahat nanganak na, so nagkukuwentuhan kami," pahayag ng singer. "Wala kasing anak si Kaye. Si Rica hindi siya nakapunta nung reunion so sinabi ko 'lsquo;yung line na 'lsquo;yan without thinking na baka ganun nga ang ma-interpret nila. Mali 'lsquo;yung sinabi ko. Dapat sinabi ko si Rica, wala pang anak. Hindi siya na lang 'lsquo;yung wala pang anak." Matapos ng paglilinaw ay idiniin ng singer na wala pa raw talagang anak ang kaibigang si Kaye. "Ako naman po matagal ko nang kilala si Kaye Abad at ako po masasabi ko wala po talaga siyang anak."

Natawa rin lang si Carol nang talakayin sa Toni Gonzaga Investigative Statements ang bali-balitang hiwalay na raw siya sa kanyang asawa ngayon na naka-based din sa US. "Hindi. Magkahiwalay ngayon dahil nasa America siya at andito ako," pagbibiro niya. "Hindi po. Magkasamang-magkasama po kami. Masayang masaya. Very happy may product at gagawa pa po kami ng product," pagtutukoy nito sa kanyang three-year-old na anak na si Chelsea.