Dahil sa iPad, male at female TV host 'di nagpapansinan

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

11/3/2010 1:03 PM
Dahil sa iPad, male at female TV host 'di nagpapansinan


Ilang raw nang hindi nagpapansinan ang male and female TV host. Nagsimula ito nang mawala sa dressing room ang iPad ng male host. Nang hindi na nito mahanap ang nawawalang gadget, itinuro nito ang female TV host na siyang nagnenok ng kanyang iPad. Ang katuwiran ng male TV host, siya lang ang may casing na gano'n sa Pilipinas. Nagkataon na the same casing din sila ng female TV host. Pinandigan ng male TV host na si female TV host ang nagnenok ng kanyang iPad. Nasaktan ang female TV host sa akusasyon ng male host. Kaya ang ginawa nito, mangiyak-ngiyak na ipinakita ang serial number ng kanyang iPad sa male host. Hindi pa din kumbinsido ang male TV host. 'lt;p'gt;

Marami na ang nakapansin ng pagiging aloof ng male at female TV host. Nasaktan nang husto ang female TV host sa ginawang pagbibintang sa kanya ng male TV host. Walang plano ang male TV host na mag-apologize. Nakarating na ang problema sa management na by this time ay nakagawa na ng aksyon.