• Home
  • Fresh Scoops
  • The Buzz reveals more details of Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto wedding

The Buzz reveals more details of Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto wedding

Bride-to-be Kristine Hermosa describes upcoming wedding with Oyo Sotto as intimate and private.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/28/2010 9:23 PM
The Buzz reveals more details of Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto wedding


Puspusan na ang paghahanda nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa kanilang nalalapit na kasal ngayong 2011 pero limitado lamang ang kanilang inilalabas na detalye sa publiko lalo pa'rsquo;t gusto nila itong gawing pribado.

Iniulat sa The Buzz kahapon na sa pinakabagong isyu ng Star Studio Magazine December issue, ini-report ang tungkol sa pagmamahalan nina Kristine at Oyo at ilang detalye sa nalalapit nilang kasal.

Ayon umano sa magazine, nagkakilala sina Oyo at Kristine noong 2004 sa shooting ng Enteng Kabisote, OK Ka Fairy Ko The Legend pero sinabi nila na wala pa silang atraksyon noon sa isa'rsquo;t isa. May iba pang ka-relasyon noon si Oyo na si Angel Locsin habang si Kristine naman ay si Diether Ocampo.

Noong sumunod na taon, 2005, ay pareho na silang single pero nanatili lamang silang magkaibigan. Noong 2006 at third installment na ng Enteng Kabisote nang magsimula na umano ang pagkakaroon ng special feelings ni Oyo kay Kristine. Pero kahit umano nagdi-date sila noon ay sinasabi nilang magkaibigan lamang sila dahil ayaw raw nila ng label.

Setyembre 2009 at 26th birthday ni Kristine nang mag-propose na ang aktor kay Kristine. Sinabi umano niya, "Ayoko nang maghiway tayo. Gusto kitang mahalin habambuhay," at sabay umanong ibinigay ang singsing kay Kristine. Sumagot naman daw ng oo agad ang aktres. Agad-agad umano nilang sinabihan ang kanilang mga magulang na wala namang pagtutol sa kanila.

Kabilang umano sa mga principal sponsors nila ay sina ABS-CBN president Charo Santos-Concio, Star Magic founder Johnny Manahan at T.A.P.E Inc. Senior Vice President Malou Choa-Fagar. Ang nakatatandang kapatid ni Kristine na si Kathleen ang bride'rsquo;s maid at kapatid ni Oyo na si Danica Sotto at asawa nito na si Mark Pingris ay kasama din sa mga abay bilang veil sponsors.

Hindi naman nasabi kung saan gagawin ang kasal na inaasahang sa Enero umano magaganap pero ito raw ay out-of-town na maaaring gawin sa Tagaytay o kaya naman ay isang beach wedding. Tinatayang 150 guests lamang ang inimbitahan.

'nbsp;"Mga kapamilya niya (Oyo) at mga kapamilya ko (ang pupunta). Very simple and intimate wedding and very private," sabi ni Kristine sa interview.'nbsp;'nbsp;