• Home
  • Fresh Scoops
  • Korina Sanchez says she is submissive to husband Sen. Mar Roxas

Korina Sanchez says she is submissive to husband Sen. Mar Roxas

The fearless broadcast-journalist says she will support her husband if he decides to run for office again.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/28/2010 9:28 PM
Korina Sanchez says she is submissive to husband Sen. Mar Roxas


Sa pagbabalik ni Korina Sanchez sa TV Patrol ay sinabi niyang hindi naman siya nahirapan sa pag-aadjust matapos ang halos isang taong pagkawala. Sinabi rin niya sa The Buzz interview kahapon na pinanatili niya ang kanyang kredibilidad sa industriya. "Ang tao yata gusto nila 'lsquo;yung totoo, ke nagpapatawa ka, malungkot ka, galit ka. Kung ikaw ay sincere, credible ka sa kanila," aniya.
'nbsp;
Malaki raw ang pagkakaiba nila ng kanyang mister na si Sen. Mar Roxas sa pag-uugali pero maganda raw ito upang maging balanced ang kanilang pagsasama. "These are the differences that keep us balanced. Ang hirap naman ang parehong-pareho kayo, boring yata," sambit ng broadcast-journalist. "Maganda 'lsquo;yung 'lsquo;pag sobra kang bilis, siya 'lsquo;yung pumipigil sa akin ng konti o kaya 'lsquo;pag siya naman ang padalos-dalos ako ang nagpipigil sa kanya 'lsquo;di ba?"
'nbsp;
Mahirap man daw paniwalaan ay submissive daw si Korina sa kanyang mister. "Baka hindi siya pumayag na masunurin ako," sabay tawa niya. "'rsquo;Di nahahalata ni Mar na masunurin ako kasi wala akong reklamo. Hindi niya nahahalata kasi oo lang ako ng oo." 'nbsp;
'nbsp;
Matindi raw ang pinagdaanan nila ni Mar nang matalo ang politician sa pagtakbo niya bilang vice president ng bansa pero mas pinagtibay umano nito ang kanilang relasyong mag-asawa. "'rsquo;Yung nangyari noong eleksyon lalong nagpatibay ng aming pagsasama kasi napakahirap nung nangyaring 'lsquo;yon sa kanya. 'lsquo;Di inaasahan sa pinakamalim at pinakaimportanteng lebel. Lalo naming napatunayan sa isat-isa na we'rsquo;re in this through thick and thin. That'rsquo;s what kind we'rsquo;ve struggled with na abnormal 'lsquo;yung pagkatapos ng kasal 'lsquo;yun na kaagad. Sana kung masaya 'lsquo;yung kinalabasan pero hindi. Pero you know, misery is optional. There'rsquo;s always an option to look at the glass half full rather than half empty."
'nbsp;
Hindi rin daw niya pipigilan kung magdesisyon si Mar na tumakbo muli sa hinaharap at susuportahan daw niya ang asawa nang buo. "Kapag nanumpa na kayo sa harap ng dambana, iba eh. For some reason ang feeling mo isa na kayo. Kung ano'rsquo;ng landas niya dun ka susunod," pagtatapos ni Korina.'nbsp;