Jessy Mendiola is the lead star of new teleserye Sabel

Jessy is very happy to be given the chance to be the lead actress for a big teleserye.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/28/2010 9:16 PM
Jessy Mendiola is the lead star of new teleserye Sabel


Early birthday at Christmas gift para sa young actress na si Jessy Mendiola ang pagkakaroon niya ng kanyang sariling teleserye, ang Sabel na magsisimula na ngayong December 3. Ikinukumpara na agad si Jessy sa mga bagong usbong na teleserye princesses na sina Empress, Erich Gonzales at Andi Eigenmann.

"I'rsquo;m very thankful lang na nasali ako sa ganoong league na sobrang magaganda and very talented actresses," sagot ni Jessy tungkol dito during her interview with The Buzz host KC Concepcion. "And me, myself hindi ko ine-expect na masasali ako sa ganon, so nagpapasalamat lang ako. Sobrang saya ko po na binigyan ako ng opportunity na ganito."

Jessy is born to a Filipina mother and a British-Lebanese father pero ang ina lamang ang nakagisnan nila sa paglaki ng kanyang dalawa pang kapatid na babae. Pinunan naman daw ng kanyang ina ang pagkukulang ng ama kung kaya'rsquo;t hangang-hanga siya sa kanyang nanay. "Hindi naman po ako nagalit sa father ko na wala siya but siyempre iba pa rin po 'lsquo;pag may father ka and mahal na mahal ko ang mother ko and I'rsquo;m very thankful na ang tapang niya na sa lahat ng panahon. Nandyan siya para sa aming tatlo. Lahat pa kami puro babae. Sobrang thankful ako na nanay ko, ang tapang niya," pahayag ng aktres.

At dahil sila-sila lang daw ang nagsusuportahan, sobrang close daw nilang magkakapatid at ng ina. "'rsquo;Pag ka may problema ang isa sa amin palagi kaming nagtutulungan and hindi ko lang kaya na nakikita ang mom ko na mahihirapan. I'rsquo;d rather take all the responsibilities, hirap. Ayokong makitang nasasaktan 'lsquo;yung family ko."

Sinabi rin ni Jessy na tila siya na ang naging lalaki sa pamilya at nagbiro pang lagi siyang sinasabihan ng kanyang handler sa Star Magic na maging pino sa kilos dahil medyo maton siya kung kumilos. 'nbsp;

Naging madamdamin naman ang mensahe ni Jessy sa kanyang ina at mga kapatid lalo pa'rsquo;t ngayon ay siya ay magiging busy na dahil sa kanyang upcoming teleserye. "Palagi ko silang sinasabihan na huwag silang mag-aalala. Andyan lang ako kahit ano'rsquo;ng prolema kakayanin namin kahit kaming apat lang kahit puro babae kami, kayang-kaya nating gawin 'lsquo;yung kailangan naming gawin. Hindi ako titigil na magtrabaho para sa kanila."