• Home
  • Fresh Scoops
  • Charlene Gonzalez on Sharon Cuneta: We love her very, very much

Charlene Gonzalez on Sharon Cuneta: We love her very, very much

The Buzz host Charlene Gonzalez says husband Aga Muhlach kept quiet to protect his friendship with Sharon Cuneta.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/28/2010 9:36 PM
Charlene Gonzalez on Sharon Cuneta: We love her very, very much


Naging sensitibo at madamdamin ang pagsasalita ng dalawang hosts ng The Buzz kahapon na sina KC Concepcion at Charlene Gonzalez hinggil sa tampuhan ng dalawang taong malapit sa kanila, ang ina ni KC na si Sharon Cuneta at asawa naman ni Charlene na si Aga Muhlach.

Hindi napigilan ni Charlene na ipagtanggol ang asawa lalo pa'rsquo;t ito ang mas nanahimik sa isyung tampuhan with the Megastar. "Napakabait po ng asawa ko, in the same token na napakabait din ni Mega," paliwanag ni Charlene. "We love her very, very much and one of the reasons kung hindi man nagsasalita 'lsquo;yung asawa ko is because (he wants) to take care of the friendship. It'rsquo;s because that'rsquo;s his way of showing love and support for a friend. Sa palagay ko that'rsquo;s one of the best ways to take care of something and for me I feel that'rsquo;s the most gentlemanly way of handling things." 'nbsp;

Sa ngayon daw ay pinakamaigi ang bigyan sina Mega at Aga ng time and space at darating din ang tamang pagkakataon na maaayos nila ang hindi pagkakaunawaan. "Bilang asawa naman who loves my husband at bilang kaibigan who loves Sharon, I can just be there to support them every step of the way and to not add to this situation."

Ibinalita pa ni Charlene na nakapag-usap na sina Mega at Aga noong nakaraan na Sabado ng gabi subalit hindi niya alam ang detalye ng kanilang pinag-usapan. "I'rsquo;m happy to let everyone know, although hindi ko pa alam ang buong detalye because last night nag-usap na si Aga at si Sharon. As a friend to Sharon, we love you. You are dear to me, you are dear to my family and you are dear to Aga." Sinabi pa niya na hindi basta-basta pwedeng itapon ang pitong taong pagkakaibigan ng kanyang asawa at ni Mega.