Young actress, pinapangakuan ang mga lalaking type niya!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

11/23/2010 5:49 PM
Young actress, pinapangakuan ang mga lalaking type niya!


KAKAIBA ang trip ng isang young actress. Bukod sa mahilig ito sa lalake, mahilig din itong mangako sa sinumang lalakeng type niya na isasama sa mga projects na gagawin niya. Yes, bading na bading ang aktres kapag nangako sa mga guys. Kapag type ng actress ang isang guy, magi-exert ito ng effort na maka-date ang guy at sabay promise na, "Sige isasama kita sa next project ko!" Sa isang okasyon, nakita ni aktres ang isang cute guy sabay sabi nito ng, "I told you." Nagulat ang aktor kaya nilapitan nito ang actress at tinanong kung ano ang ibig nitong sabihin. Sabi ng actress, "Kasama ka sa new soap ko!" Kahit nagulat, deadma na lang ang aktor. Dahil oo nga't kasama siya sa sinasabing new soap ni young actress pero handpicked ito ng production ng new teleserye.'lt;p'gt;

'nbsp;

Dumadami ang kagagahan at kabaliwan ng young actress na ito. Kapag naging mas malaking star pa ito, tiyak na magiging super sakit ng ulo ito ng kanyang network.