• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu keeps mum on supposed Gerald Anderson-Bea Alonzo breakup

Kim Chiu keeps mum on supposed Gerald Anderson-Bea Alonzo breakup

The Princess of Primetime TV reveals that she is ready to love again.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/21/2010 10:41 PM
Kim Chiu keeps mum on supposed Gerald Anderson-Bea Alonzo breakup


Sa The Buzz kahapon ay ipinalabas ang recent interview kay Kim Chiu at tinanong siya hinggil sa mga isyung kinasasangkutan niya, kabilang na dito ang isyung naghiwalay umano si Gerald Anderson at Bea Alonzo sa London.

Sa nasabing video, isang reporter ang nagtanong sa road manager ni Kim kung pwedeng itanong kay Kim ang nasabing isyu na narinig naman ni Kim at itinanong ng aktres sa press kung ano'rsquo;ng meron sa Dublin. Sumagot naman ang press na hinggil ito sa hiwalayan umano nina Gerald at Bea. Pero sinabi ni Kim na wala siyang alam. Kasama kasi raw ni Kim sina Gerald at Bea sa London concert pero hindi na siya nakasama sa Dublin.

Kinumpirma naman ni Kim na hindi muna sila magtatambal ni Gerald dahil pagkatapos ng kanilang pelikulang Till My Heartaches End ay wala pa silang proyektong kasunod na pagtatambalan.

Itinanong din kay Kim kung handa na ba siyang magmahal muli. "Handa naman siyempre. Okay naman. Depende sa tao, depende kung sino," sagot ng aktres.'nbsp; Nalilink naman kay Kim ang mga aktor na sina Enchong Dee at Jason Abalos at tinanong din siya kung may update na ba sa kanyang love life. "Zero balance muna tayo dyan," pabirong sagot ni Kim.