• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Jake Cuenca confirms confrontation with Jason Abalos but denies being physically violent

Exclusive: Jake Cuenca confirms confrontation with Jason Abalos but denies being physically violent

A source reveals that even before the confrontation, Jake Cuenca and Jason Abalos allegedly already had an existing rift.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/21/2010 8:54 PM
Exclusive: Jake Cuenca confirms confrontation with Jason Abalos but denies being physically violent


Pumutok noong Linggo ng umaga ang balitang nagkasakitan daw sina Jake Cuenca at Jason Abalos nang magkita sila sa isang bar sa Davao. Nasangkot din si Coco Martin dahil siya umano ang umawat sa dalawa. Kinumpirma ni Jake sa The Buzz kahapon sa pamamagitan ng text message na nagkaroon ng eksena subalit wala umanong nangyaring sakitan.

Pag-amin ni Jake sa pamamagitan ng text message, "Yes there was an incident that happened between Jason Abalos and myself last night. But I'rsquo;d like to clarify that no one was harmed. Wala pong nagsapakan. Nagkataasan lang po kami ng boses dahil medyo emotional 'lsquo;yung pinag-usapan namin. Everything is better now. Nagkaayos na po kami ni Jason as early as last night. We patched things up already and we talked again this morning. On my part, I would like to apologize to Jason because I was confrontational last night. I acknowledge I was wrong and I am taking full responsibility. I would like to also thank Coco. Coco pacified us and convinced us to fix things up. Salamat Coco."

Hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng sagutan ng dalawa. Subalit isang source ng push.com.ph ang naroon sa venue nang naganap ang gulo ang nagbahagi tungkol sa insidente. Ayon sa source, nagkasundo umano sina Jake at Coco na magkita pagkatapos ng engagement doon ni Jake. Sa isang bar ay nagkita sina Jake at Jason na diumano ay mayroon na palang 'lsquo;di pagkakaunawaan. Medyo may tama na raw ng alak si Jake kung kaya'rsquo;t sinugod niya si Jason para kumprontahin pero agad na pumagitna si Coco para mang-awat. May isang kasamahan umano ang nag-uudyok pa na mag-away ang dalawang aktor kung kaya'rsquo;t napikon umano si Coco sa nasabing tao at kinumpronta naman ito. Natauhan umano si Jake nang makitang nagalit si Coco at hinayaan na ihatid siya papalayo ng kaibigan kung saan nang kumalma na ay nakipag-ayos kay Jason.

Tumutok lang dito sa PUSH para sa ilang update pa sa insidenteng ito.'nbsp;