• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon on supposed nude photo: Hindi nila mapapatunayan na ako yon.

Ejay Falcon on supposed nude photo: Hindi nila mapapatunayan na ako yon.

The young actor says he is aware of the photo since the time he just got out of the PBB house.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/21/2010 9:51 PM
Ejay Falcon on supposed nude photo: Hindi nila mapapatunayan na ako yon.


Sa pagkalat ng litrato ng hubad na lalaki na itinuturong si Ejay Falcon, isang graphic arts expert ang kinonsulta ng The Buzz upang malaman kung hindi nga ba peke ang larawan. Sinabi ng expert na sa tingin niya ay totoo ang picture dahil tama sa ilaw, kulay at anggulo ng ulo sa katawan. Gayunpaman, sinasabi niyang hindi iyon si Ejay base sa pagkukumpara niya ng larawan ni Ejay. Halimbawa umano ay ang pagkakaiba sa bone structure, built at ilong.

Kumalat ang nasabing larawan noong nasa India pa si Ejay para sa pelikulang ginagawa kasama sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez at si Queenie Padilla.

Nang kunin ang kanyang reaksyon, ang sagot ni Ejay, "Matagal na po 'lsquo;yon. Pagkalabas ko ng PBB (Pinoy Big Brother), lumabas na 'lsquo;yon. Dalawa 'lsquo;yun, eh. May video pa na ako nakatalikod daw pero ako alam ko sa sarili ko hindi po ako 'lsquo;yon," pagtanggi ni Ejay. "Mas kakabahan ako 'lsquo;pag mukha ko talaga 'lsquo;yung nakikita, eh. Eto itong mukhang ito hindi po, eh. Naka-side po siya. Madami naman po akong kamukha, eh. Hindi po nila mapapatunayan na ako 'lsquo;yon."

Nakiusap din ang aktor sa mga nagkakalat ng nasabing nude photo. "Hindi lang naman ako ang artistang biktima nun, eh. Sana tigilan na po kasi marami kayong taong nabibiktima, marami kayong taong nababastos."