Cristine Reyes walks away on The Buzz

The sexy actress couldn't answer Boy Abunda's question about her feelings for Rayver Cruz.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/21/2010 10:29 PM
Cristine Reyes walks away on The Buzz


Kilala sa pagiging prangka, naging mabilis ang interview ng The Buzz host na si Boy Abunda kay Cristine Reyes kahapon para sa portion na The Abunda Challenge dahil diretsa kung sumagot ang dalaga. Pero isang tanong ang hindi kinaya ng aktres at piniling huwag sagutin ito at mag 'lsquo;walk away'rsquo; na lamang. Ang tanong na ito ay kung mahal ba niya si Rayver Cruz ngayon nang higit pa sa kaibigan.

Gayunpaman, inamin ni Cristine na hinalikan na siya ni Rayver off camera dahil naging sila noon at ngayon ay magkaibigan lamang kahit na napapabalitang mag-on na ang dalawa for two months.

Kinumpirma rin ng sexy actress na nakasamaan niya ng loob sina Angel Locsin at Maxene Magalona na mga kabarkada niya sa Ampalaya Anonymous dahil feeling daw niya ay iniwanan umano siya sa ere nang magkaroon siya ng away kay Pauleen Luna.

Sa tanong naman kung pakiramdam ba niya ay siya ang pinaka-hot na babaeng na-link kay Dennis Trillo, ang matapang na pahayag ni Cristine, "Sasagot po ako ng honest talaga, ako 'lsquo;yun siyempre." Bukod sa kanya, naging girlfriend din ni Dennis si Carlene Aguilar at ang girlfriend nito ngayon ay si Jennylyn Mercado.'nbsp; Hindi rin daw totoo na minsan na siyang nagtangkang magpakamatay dahil sa lalaki.

Wala ring kagatul-gatol sinabi ni Cristine na kina Rayver Cruz, Zanjoe Marudo at Dennis Trillo, para sa kanya ang pinaka-hot ay si Zanjoe.