• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Trillo is glad that Rayver Cruz and Cristine Reyes are becoming close friends

Dennis Trillo is glad that Rayver Cruz and Cristine Reyes are becoming close friends

The actor denies dating his former girlfriend before she started seeing Rayver Cruz.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

11/19/2010 11:31 PM
Dennis Trillo is glad that Rayver Cruz and Cristine Reyes are becoming close friends


Habang mas lalo pang umiingay ang intrigang natuloy na diumano ang naudlot na pagtitinginan nina Cristine Reyes at Rayver Cruz, isa sa mga taong Masaya para sa dalawa ay ang ex-boyfriend ni Cristine na si Dennis Trillo.

"Happy, oo naman, oo naman. Happy na din kasi maganda yung maging masaya na lahat, wala nang problema, wala nang tampuhan. Kung masaya sila, eh di masaya na rin ako para sa kanila,"
ang pahayag ng Kapuso star na sinabing kilala at naka-trabaho na rin niya si Rayver noong nasa ABS-CBN pa siya.
'nbsp;
Kasabay nito ay itinanggi naman ni Dennis ang rumors na nagkikita pa sila ni Cristine, bago ito ma-link kay Rayver. Pero sa lahat naman ng nangyari sa kanilang dalawa, masayang ibinalita ni Dennis na magkaibigan sila ngayon ng ex-girlfriend. "Magkaibigan! Syempre may pinagsamahan naman kami, pero matagal na rin kaming hindi nakakapag-usap at nagkikita, kaya ayun."
'nbsp;
Nang muli naming maungkat ang issue na diumano'rsquo;y masyadong naging martir sa pagmamahal sa kanya si Cristine noon, eto ang naging depensa ni Dennis, "Hay'hellip; ewan ko ah, nakakatuwang isipin, minahal ko rin naman siya talaga, kaya alam mo yun...martir? Ewan ko kung kailangan siyang sabihang ganun. Ako ayoko ng ano, kasi sila na nga di ba sabi mo? Ayoko na makigulo dun, ayoko na mag-comment kahit ano. Basta sana lang maging masaya sila lagi. Yun lang ang wish ko sa kanila."