No sex dahilan ng hiwalayan ng aktor at TV host girlfriend!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

11/18/2010 4:06 PM
No sex dahilan ng hiwalayan ng aktor at TV host girlfriend!


HINDI malinaw sa publiko ang naging dahilan ng paghihiwalay ng isang aktor sa TV host girlfriend nito. Hindi rin inabot ng isang taon ang relasyon ng dalawa. Walang masabing dahilan ang bawat kampo. Pero mula sa isang reliable source, ang kawalan ng gana sa sex ang dahilan kung bakit iniwan ng TV host ang aktor. Yes, sa loob ng halos isang taon na relasyon, walang naganap na intimacy sa dalawa. In other words, virgin pa si TV host sa aktor. May kinalaman ang faith ng aktor kung bakit hindi ito naniniwala sa pre-marital sex. Mula nang mapabilang ang aktor sa isang grupo ng relihiyon, naging aktibo ito doon at pati ang hilig nito sa sex ay nawala. Feeling insulted dahil hindi siya "ginagalaw" ng boyfriend, hiniwalayan ni TV host ang aktor. Sorry na lang siya dahil naniniwala ang aktor na makikipag-sex lamang siya sa babaeng mapapangasawa niya.