Rodjun Cruz says his younger brother Rayver is proud of him

After almost half a decade in showbiz, Rodjun Cruz says he feels happy to be chosen for choice projects like the hit afternoon series Juanita Banana

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/14/2010 10:19 PM
Rodjun Cruz says his younger brother Rayver is proud of him


After almost half a decade in showbiz, Rodjun Cruz says he feels happy to be chosen for choice projects like the hit afternoon series Juanita Banana.Siyempre sobrang masaya ako sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon ng management na makasama dito sa Juanita Banana. Feeling ko sobrang blessed talaga ako. Lahat ng cast sobrang mababait. Natutuwa ako sa mga nangyayari na malakas talaga yung ratings. Sobrang worth it. pag nag-pre-pray ako, naiisip ko na ito pala yung pagkakataon na hinihintay ko pag nagdadasal ako. Hindi ko naman ini-expect na mabigyan ako ng ganito kalaking role, he shares. The 23- year-old admits that he really wants to be an effective performer. “Ang gusto ko kasi talaga na ma-share ko sa mga tao is yung talent ko, na makasama ako sa isang palabas na magawa ko yung hilig ko sa pag-arte at makapag-perform, makapag-sayaw. Kaya ngayon na hindi ko ini-expect mabibigyan ako ng pagkakataon,” he says.
 
The talented actor-dancer, who’s been dating Diane Medina for three years now, says he holds no grudges against his former management for making him wait this long for a big break on the Kapamilya network. ”Sa totoo nyan, wala akong tampo sa ABS-CBN or sa Star Magic kasi sila yung nag-mold sa akin kung ano ako ngayon. Sila yung nagturo sa akin, lahat ng talento ko, lahat ng natutunan ko, sa kanila ko nakuha yun kaya sobra akong nagpapasalamat. Kaya naman ako nasa ibang channel din is gusto ko ma-explore yung talent ko, gusto ko ng mas madaming opportunities at trabaho,” he humbly says.
 
Even after starting out together in showbiz in 2006, it was Rodjun’s younger sibling who first got acting projects. But Rodjun says that has never become an issue between them. “Kasi sa amin ni Rayver, wala kaming inggitan or ano man. Lumaki kami na sobrang close sa isa’t isa. So kung ano man yung na-achieve niya, proud ako at talagang masaya kami,” he says. Rodjun also clarifies that he did not step back so that his brother would have more exposure. “Hindi ako nag-give way kay Rayver kasi hindi ko na kelangan gawin yun. Siyempre Rayver na sya . Siya nga yung idol ko eh. Idol ko yun, kapatid ko yun eh. Pero ngayon pag napapanuod ko siya, sobrang proud ako sa kanya,” he says. But now, Rodjun admits that Rayver has been very vocal about how proud he is of his kuya. “Pag magkasama kaming dalawa sa bahay, nag-aasaran nga kami. Sabi niya sa akin, ‘Uy Kuya RJ,ang yaman mo na! Ilibre mo na ako ah!’ Lagi akong ina-advice-an nun na lagi ko lang pagbubutihan yung pagtratrabaho at galingan at i-enjoy ko yung trabaho na meron ako. Binobola nga ako nun, kasi pag napapanuod niya ako, sabi niya Ang galing mo bro ah! Sabi ko, ano ka, ang yabang mo, ikaw lang lang ginagaya ko eh, (laughs)” he shares.

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback