• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: Weve never been happier

John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: Weve never been happier

Amidst the negative rumors, John Lloyd Cruz stresses that his relationship with Shaina Magdayao keeps on getting better.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/14/2010 9:39 PM
John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: Weve never been happier


Sa gitna ng mga maugong na balitang nagkalamat na ang relasyong John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa muling pagkaka-link ni Lloydy sa dating girlfriend an si Ruffa Gutierrez ay sinabi ng aktor kahapon na mas lalo pa nga raw tumibay ngayon ang kanilang relasyon. Dagdag pa ng box-office king na hindi naman ito ang unang pagkakataon na maintriga ang relasyon nila ni Shaina. "Lagi naman kaming binabato ng kung anu-anong isyu, eh. Siguro ganun talaga kapag nakikita na maganda 'lsquo;yung naidudulot n'rsquo;yo sa isat-isa, masaya kayo, nananahimik kayo, ayaw kayong patahimikin, lagi kayong binabato," anang aktor.
'nbsp;
Nanawagan din si Lloydie sa kanilang mga fans. "Huwag kayong mag-iisip, 'lsquo;wag kayong mag-alala. Sobrang okay kami." Aniya, sinisigurado raw nila ni Shaina na hindi mawala ang quality time nila kahit na sobrang busy ang kanilang schedule. "To tell you honestly, we'rsquo;ve never been happier. Talagang super blessed kami. She'rsquo;s been understanding mahirap makahanap ng ganun para sa isang katulad ko na loaded ang schedule," sabay ngiti pa ng aktor.
'nbsp;
Ikinuwento naman ni Lloydy na talagang na-conscious siya sa kissing scene nila ni Toni Gonzaga sa upcoming Star Cinema movie na My Amnesia Girl dahil tinitingala niya ang dalaga. "Ako pa 'lsquo;yung nailang. Isa akong fan ni Toni Gonzaga. Dating dati pa 'lsquo;yan nung nasa kabila pa siya hanggang sa makalipat siya dito, ako laging nanonood lang, pinagmamasdan siya especially off-cam tawang-tawa ako lagi sa kanya."
'nbsp;
Kampante naman ang aktor kahit iniintriga na hindi raw pabor ang ina ni Toni na si Mommy Pinty at ang boyfriend ng aktres na si Paul Soriano sa kissing scene nila ni Toni sa pelikula. "I'rsquo;m sure 'lsquo;yung mommy niya bago pa niya tinanggap 'lsquo;yung proyektong ito, nagkaroon sila ng pag-uusap even with Direk Paul siguro. Trabaho 'lsquo;tong ginagawa natin alam nung mommy o parents ni Toni, alam ni Direk Paul and alam ni Toni because siya 'lsquo;yung pumasok sa bagay na ito, eh."