• Home
  • Fresh Scoops
  • Is Maricar Reyes the reason behind the recent rift between Angel Locsin and Luis Manzano?

Is Maricar Reyes the reason behind the recent rift between Angel Locsin and Luis Manzano?

Luis Manzano skirts the issue of Maricar Reyes being involved again in his recent misunderstanding with Angel Locsin.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/14/2010 9:33 PM
Is Maricar Reyes the reason behind the recent rift between Angel Locsin and Luis Manzano?


Muli na namang nabuksan ang isyung pag-uugnay kina Luis Manzano at Maricar Reyes dahil iniulat sa The Buzz kahapon na ang tunay na dahilan ng samaan ng loob ng actor-host sa dating girlfriend na si Angel Locsin ay si Maricar. Coincidentally, magkasama ang dalawang aktres sa top-rating teleseryeng Imortal. Matatandaang pumutok ang bali-balitang may namamagitan kina Luis at Maricar noong Hulyo 2010. Inamin ni Luis noon na nagti-text sila ni Maricar pero walang espesyal na namamagitan sa kanila.
'nbsp;
Sa pinakahuling balita, si Maricar diumano ang mismong nagsabi kay Angel na regular umano siyang tini-text ni Luis at ito ang dahilan ng iringan nina Angel at Luis kahit na kailan lang sila naging magkaibigan matapos ang kanilang breakup. Tumanggi ang aktor na magkomento hinggil sa isyu. "Ayoko nang sagutin 'lsquo;yan, nasagot ko na 'lsquo;yan kaysa sa maungkat nang maungkat napakaraming isyu. Kasi kapag sinagot ko na naman 'lsquo;yan dadagdag na naman 'lsquo;yan. Iwan na natin do'rsquo;n."

Tila seryoso naman si Luis sa nauna niyang pag-amin na gusto na niyang lumagay sa tahimik. "Sinasabi ko nga may mga pangyayari sa buhay-buhay (na) hindi natin ini-expect. At the same time may nari-realize tayo'hellip; kumbaga isa 'lsquo;yon sa mga factor na maayos natin maplantsa lahat 'lsquo;yon."
'nbsp;
Kinunan din ng reaksyon si Richard Poon hinggil sa isyu dahil inamin niya kamakailan na nililigawan niya si Maricar. "I don'rsquo;t believe everything I read. I don'rsquo;t think it should mean anything to me. She'rsquo;s a beautiful girl I think a lot of men have already courted her and continue to court her now," sagot lamang nito.