• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson remains mum on issue that he and Bea Alonzo supposedly broke up

Gerald Anderson remains mum on issue that he and Bea Alonzo supposedly broke up

Eventhough they haven't admitted to being an item yet, Gerald and Bea are rumored to have gone their separate ways.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/14/2010 9:54 PM
Gerald Anderson remains mum on issue that he and Bea Alonzo supposedly broke up


Tikom pa rin ang bibig ni Gerald Anderson hinggil sa isyung nagkasundo raw sila ng napapabalitang girlfriend na si Bea Alonzo na maghiwalay noong magkasama silang pumunta para magsagawa ng isang concert sa London last week. Naging maugong ang nasabing isyu pero wala sa kahit na sinong kampo ang nagsalita hinggil dito.
'nbsp;
Matatandaang sa isang Heartthrobs concert sa New York, USA noong Abril nang magkasama sina Bea at Gerald at dito raw nagkaaminan ang dalawa na may nararamdaman sila sa isa'rsquo;t isa. Gayunpaman, napagkasunduan umano nila na panatilihin itong lihim upang mapangalagaan ang kanilang relasyon. Matatandaang naging kontrobersyal ang diumano'rsquo;y relasyon ng dalawa at nasangkot pa ang leading lady ni Gerald na si Kim Chiu kung kaya'rsquo;t napagkasunduan nina Bea at Gerald na tapusin na lang ang diumano'rsquo;y relasyon nila.
'nbsp;
Ayon pa sa ulat ng The Buzz, noong Biyernes, Nobyembre 12, dumalo sa isang party ang tatlo pero hindi raw sila sabay-sabay na dumating. Sinabi rin sa ulat na hindi raw namataan ang tatlo na nag-krus ng landas at wala rin daw sabay na umalis.
'nbsp;
Subalit bukod pa rito ay nasasangkot din sa isang kontrobersya si Gerald at ito ay diumano'rsquo;y pagmamay-ari niya ng isang "hot car" o nakaw na sasakyan at ito ay ang kanyang Hummer. Nasa kamay pa ng highway patrol group ang sasakyan ni Gerald at ibabalik daw ito sa kanya kapag naayos na ang kaso.