• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga admits she feels pressured being paired onscreen with John Lloyd Cruz

Toni Gonzaga admits she feels pressured being paired onscreen with John Lloyd Cruz

Toni Gonzaga wants to maintain John Lloyd Cruz's box office winning streak with 'My Amnesia Girl.'

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/13/2010 1:38 AM
Toni Gonzaga admits she feels pressured being paired onscreen with John Lloyd Cruz


As the release date of their upcoming Star Cinema movie draws near, My Amnesia Girl star Toni Gonzaga admits that given co-star John Lloyd Cruz'rsquo;s successful onscreen pairings with Bea Alonzo and Sarah Geronimo, she feels the pressure of continuing Lloydy'rsquo;s box-office winning streak. "Siyempre naisip ko yan nung bago pa. Siguro ang thinking ko sa ngayon, kung yan lang ang magiging batayan ng isipan ko, eh baka hindi ko tinanggap yung proyekto. Baka hindi ko na ginawa. Dahil siyempre natatakot ako at malaki yung risk. Pero at the end of the day, you leave it all up to God, sa kanya at saka para sa akin, sa panahon ngayon, para mabigyan ka ng ganitong opportunity, siguro mas maging grateful na lang ako at mas maging thankful ako instead of being pressured, mas i-e-enjoy ko na lang yung pelikula, mas namnamin ko yung pagkakataon na nagkatrabaho ulit kami ni direk Cathy (Garcia-Molina), makasama ko ulit yung mga nakatrabaho ko dati sa mga pelikulang nagawa ko noon at siyempre yung chance na makatrabaho ko si John Lloyd. So yun ang iniisip ko ngayon. Na i-enjoy ko yung moment at I am really grateful sa pelikulang ito," she said.

Toni said she was very impressed with the professionalism John Lloyd showed on the set and even learned a couple of things from him. "Siyempre nung una kinakabahan talaga ako dahil alam ko kung gaano kahusay si John Lloyd bilang isang actor. Pero nakakatuwa pagka-gumawa na kami ng eksena kasi ang sarap niyang katrabaho kasi he brings out the best in you. Kaya pala ang husay husay ng mga pelikula niya. Very effective siya kasi hindi siya selfish na actor. Shina-share niya yung mga eksena, shini-share niya yung emotions niya. So madadala ka talaga. Kapag nasa eksena ka, nararamdaman ko talaga na ako si Irene na 'lsquo;pag mahal niya ako, nararamdaman ko na mahal niya ako so feel na feel ko naman yung mga ganun so love ko din naman siya (laughs)," she shared.

Even though they have known each other for a while now having worked in ASAP and Maging Sino Ka Man before, Toni said she discovered just how serious Lloydy is about his craft. "Nalaman ko na kahit ano pa yung eksena niya, metikuloso pala talaga siya. At saka talagang sobra yung passion niya sa trabaho niya, sa craft niya. Talagang inaalam niya yung transition ng emotion ng character niya, yung mga pinanggalingan. And from there, ayun natututo ako. Inalam ko rin yung transition ng aking character. So madadala ka di ba kasi bago yun. Nakakadala siya bilang actor. Tapos naalala ko nun, nag-uusap sila ni direk Cathy, sabi niya nag-aalala siya sa acting niya. Napakamot naman ako ng ulo. Sabi ko, kung nag-aalala si John Lloyd sa acting niya, ano na lang kaya yung acting ko? (laughs) Ganun siya, iniisip niya talaga yung trabaho niya. Dedicated talaga siya dun," she said.