• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu on Gerald Anderson and Bea Alonzos closeness: Hindi naman ako robot na walang pakiramdam

Kim Chiu on Gerald Anderson and Bea Alonzos closeness: Hindi naman ako robot na walang pakiramdam

The young actress finally speaks out about several issues including the rumor she tried to commit suicide.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/9/2010 10:41 PM
Kim Chiu on Gerald Anderson and Bea Alonzos closeness: Hindi naman ako robot na walang pakiramdam


Lahat ng mga isyung kinasasangkutan ni Kim Chiu ay sinagot niya kahapon sa interview ng The Buzz, kabilang na ang isyu na nag-break na sila ni Gerald Anderson, ang isyu sa kanila ni Bea'nbsp; Alonzo at ang diumano'rsquo;y pagtatangka niyang magpakamatay.

Mas matibay na raw ngayon ang former Pinoy Big Brother Teen Edition Big Winner dahil sa mga pinagdaanan niyang pagsubok sa buhay. "Sa mga pinagdadaanan ngayon at mga taong nakapalibot sa akin, siguro marami din akong natutunan doon and living alone dito sa Manila, walang family, walang kapatid, na ako lang, andaming nangyari, andaming natutunan sa buhay ko," paliwanag niya.

Natatawa naman ang aktres nang ungkatin ang isyung nililigawan daw siya nina Enchong Dee at Jason Abalos. Aniya, close lang talaga sila ni Enchong lalo na nang gawin nila ang teleseryeng My Girl at hindi raw niya ma-confirm kung nililigawan daw ba siya ni Jason dahil ayaw naman niyang mag-assume.

Nilinaw rin ni Kim na hindi naman kay Gerald umikot ang mundo niya sa tatlong taon nilang pagiging close at magka-love team. "Siyempre meron namang pamilya, trabaho, meron din namang iba," ani Kim.

Hindi rin daw niya masisisi si Gerald kung madalas itong ma-link sa mga artistang babae. "Magandang lalaki si Gerald, aminin naman natin 'lsquo;yon, mabait pa, gentleman. Lahat naman siguro magkakagusto sa kanya kaya hindi imposible na may ma-link sa kanya."

Consistent naman ang aktres sa pagsasabing okay sila ni Bea na nali-link ngayon kay Gerald at nagbabatian naman daw sila sa ASAP XV (kung saan sila ay mainstays), pero magkaiba ang kanilang sets of friends. 'nbsp;

Hindi rin itinanggi ni Kim na nasaktan siya sa mga isyung may namumuong magandang pagtitinginan sina Gerald at Bea. "Hindi naman ako robot na walang pakiramdam. Aminin naman natin opo (nasaktan ako)." Gayunpaman ayaw niyang magbigay ng detalye sa isyung ito. Ipinagtanggol din ni Kim si Gerald dahil umaani ito ng batikos dahil diumano'rsquo;y nasaktan si Kim nang dahil sa kanya. "Ayokong isipin ng mga tao na masama siyang tao kasi hindi talaga," depensa ni Kim sa kanyang leading man. "Lahat ng mga haters niya parang ako ang nasasaktan para sa kanya."'nbsp; Ngayon nga raw ay mas magaan ang treatment nila ni Gerald sa isa'rsquo;t isa at marami silang napag-uusapan.

Matapang namang nagbigay ng pahayag ang aktres sa isyung diumano'rsquo;y nagtangka siyang mag-suicide. "Alam mo kalokohan and katangahan para sa akin kung gawin ko 'lsquo;yon. Sino'rsquo;ng mag-aalaga sa mga kapatid ko, sinong bubuhay sa kanila, pina