TV Host nagyayabang na sa nilipatang istasyon?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

10/5/2010 7:47 PM
TV Host nagyayabang na sa nilipatang istasyon?


Hindi pa man umeere ang show ng isang controversial male host sa network na kanyang nilipatan ay nagpapakita na ito ng kayabangan. Ayon sa ilang insiders ng nasabing network, nag-impose na ang male host ng mga rules niya sa network. Unang victim ay ang existing show ng isang female TV host. Kinailangang pakiusapan ang female TV host at ang production staff ng show na lumipat sila ng studio. Hindi gusto ng male TV host na the same studio ang gagamitin ng show niya at ng female TV host. Kaya ang siste, kailangang lumipat sa isang remote studio ang show ng female TV host. Kaya nagpupuyos sa galit ang staff ng nasabing show dahil sa ginawa sa show nila ng male host.

'nbsp;

Nagulat din ang mga empleyado ng TV network nang makita nila na reserved na sa male TV host ang major parking slots ng compound. Reaksyon ng isang old-timer sa TV network, "Bakit, ilang kotse ba ang dadalhin niya every day sa show at kailangang maraming parking area ang kailangan niya? At bakit, siya lang ba ang artista ng network na ito? Nakakawalang-respeto siya!" himutok ng empleyado.

'nbsp;

Gets n'rsquo;yo na kung sino siya?