• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano on issue with Angel Locsin: May nagawa akong mali kay Angel

Luis Manzano on issue with Angel Locsin: May nagawa akong mali kay Angel

Luis and Angel speak about their rumored rift with one another.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/31/2010 9:57 PM
Luis Manzano on issue with Angel Locsin: May nagawa akong mali kay Angel


Iniulat sa The Buzz kahapon ang recent interview kay Angel Locsin hinggil sa mga isyung kinasasangkutan niya at isa na rito ang mga naisulat na balitang tomboy raw ang aktres. "Siguro dahil bukod sa may mga malisyosong tao, siguro may pagka-boyish ako pero hindi po ako tomboy, nagka-boyfriend po ako. Minsan sabi ko mag-yes kaya ako subukan lang natin," pagbibiro pa ng aktres.

Ayaw namang magsalita ni Angel hinggil sa isyung siya at ang dating boyfriend na si Luis Manzano ay may matinding alitan. "Siguro mas okay kung hindi na lang ako mag-comment. Maybe mas maganda'hellip; why don'rsquo;t you ask him?" sagot na lang ni Angel.

Nagsalita naman si Luis sa Entertainment Live noong Sabado, October 30, bilang tugon sa isyu. "Marami kaming pinagdaanan ni Angel both as a couple, as an ex-couple na sinubukang ayusin ang mga bagay-bagay. Very, very safe to say we are heading in different directions," pagkukumpirma ng actor-host. "Kung may nagawa akong masama, kaya kong sabihin, yes, may nagawa akong mali kay Angel. Kung nasaktan ko siya kaya kong sabihin, pero that'rsquo;s part of being a man I have to accept my wrong doings." 'nbsp;

Nagsisisi rin daw siya sa nagawa niyang ito dahil napakaespesyal daw ni Angel sa kanya at syempre ay ayaw raw niya itong nakikitang naasaktan. "Siguro kung 'lsquo;yung pananakit ko kay Angel caused us to go on separate ways, I'rsquo;d like to say I'rsquo;m very, very sorry." Idinagdag pa ni Luis nais daw niyang magbago for the better bunsod nito. "It'rsquo;s never too late, never too early. I need to be a better person talaga."