KC Concepcion is now a Star Magic artist

The daughter of Megastar Sharon Cuneta is confident that she will be taken care of now that she is part of Star Magic.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/31/2010 10:32 PM
KC Concepcion is now a Star Magic artist


Lumipat na sa poder ng Star Magic si KC Concepcion at nagpapasalamat siya sa kanyang mga dating managers na sina Sandra Chavez at Shirley Kuan dahil nakipagtulungan daw sila sa dating alaga para mapabilis ang paglipat niya sa talent management arm ng ABS-CBN. "Talagang nagpapasalamat ako (sa kanila) sa ilang years talaga na magkasama kami," bungad ni KC sa The Buzz kahapon.'nbsp; "I will be forever grateful for your help in the last nine years. Happy ako na tahimik naman kaming naghiwalay, walang away na naganap, parang nagkaintindihan."

Looking forward naman siya sa pagiging Star Magic talent at nagpasalamat siya sa founder nito na si Mr. Johnny Manahan dahil sa kanyang official statement sa pagwe-welcome kay KC ay sobra din silang excited sa pagpasok ni KC at sinabing aalagaan nila nang husto ang bagong alaga. "Thank your for accepting me in the Star Magic family including the Star Magic artists like sina Tin (Kristine Hermosa), Kimerald (Kim Chiu and Gerald Anderson), nag-text sila ng welcome sa akin, including Shaina (Magdayao) and John Lloyd (Cruz), including si Bea (Alonzo).

Kabilang din daw ang kanyang rumored boyfriend na si Piolo Pascual at si Sam Milby sa mga nag-welcome pa sa kanya. "I'rsquo;m excited with Star Magic kasi alam kong marami akong matutunan sa kanila. Makikita mo naman ang stars, ang artists ng Star Magic, marami silang workshop, marami silang kasama. So I think it'rsquo;s gonna be exciting to be part of a big family, na mas marami pa akong mararamansan.

"I'rsquo;m looking forward to new experiences na hindi iisipin ng tao na gagawin ko but it'rsquo;s really someting I love. With Star Magic I know that I'rsquo;ll be supported. I know I'rsquo;ll be even more inspired. Kasi trabaho ako ng trabaho mas maganda na masaya ka araw-araw." 'nbsp;