Ai Ai delas: Na-in love talaga ako kay Robin Padilla.

Ai Ai delas Alas reveals why Robin Padilla is her ultimate leading man crush.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/31/2010 9:51 PM
Ai Ai delas: Na-in love talaga ako kay Robin Padilla.


Sa mga naging leading men ni Ai ai delas Alas, inamin niyang kay Robin Padilla siya nagkaroon ng matinding pagkagusto. Anang Comedy Concert Queen, tatlo lang daw ang kanyang naging crush na leading man niya, sina Robin, Sen. Bong Revilla at Aga Muhlach.
'nbsp;
Sinabi rin niya kung bakit naging ultimate crush niya ang action superstar. "Na-in-love talaga ako kay Robin, parang pinaparamdam niya na ako si Angelina Jolie, ganun ang dating," sabay tawa niya. Ai Ai and Robin worked together in 2008 for the film Ikaw Pa Rin: Bongga Ka Boy.
'nbsp;
Nagpatawa rin ang aktres nang tanungin kung sino sa dalawa pang komedyante na ikinukumpara sa kanya ang mas mahusay magpatawa, si Eugene Domingo o si Pokwang. "Pwede bang ang sagot ako na lang, ako na lang ang magaling kasi ang hirap (sagutin)," biro niya.
'nbsp;
Natuwa naman si Ai Ai sa pagbanggit ng The Buzz host na si Charlene Gonzalez-Muhlach hinggil sa pagpuri sa kanya ni Eugene dahil hinahayaan ng Comedy Concert Queen ang kanyang co-star na magkaroon ng shining moment. "Lahat ng ng kasama ko sa pelikula hindi lang 'lsquo;yung mga komedyante, binibigyan ko sila ng sarili nilang moment kasi ganun naman dapat, hindi kayo nagsasapawan and Eugene is a very, very good of mine."
'nbsp;
Ipinaliwanag din niya na walang sikreto sa pagiging matagumpay niya at pagkaka-brand na Comedy Concert Queen. "'rsquo;Yan naman mga title-title lang 'lsquo;yan, eh. Ibinibigay 'lsquo;yan ng tao, syempre ako siguro hanggang ngayon destiny ko siguro ito (at) bigay sa akin ni God. Isang tao lang ako na maganda (at) biniyayaan."'nbsp;