• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on her failed marriage: Kung nakinig ako sa mom ko, hindi ko pinagdadaanan ito ngayon.

Kris Aquino on her failed marriage: Kung nakinig ako sa mom ko, hindi ko pinagdadaanan ito ngayon.

The Queen of All Media clarifies that she has no regrets in marrying James Yap.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/4/2010 12:29 AM
Kris Aquino on her failed marriage: Kung nakinig ako sa mom ko, hindi ko pinagdadaanan ito ngayon.


Ang pagsisisi umano ni Kris Aquino sa pinagdadaanang annulment sa kasal nila ng dating mister na si James Yap ay ang hindi pakikinig sa kanyang ina na binilinan umano siya nung nabubuhay pa siya na humingi ng pre-nuptial agreement sa pagpapakasal sa basketball player. "Kung nakinig ako sa mom ko, hindi ko pinagdadanan lahat ngayon," ani Kris na sinabing 100 percent accurate ang bilin ng ina.

Ngayon kasi sa hatian ng ari-arian ng dating mag-asawa ay pinakaapektado umano ang panganay ni Kris na si Joshua. Ito raw ang iniyak niya sa mga kapatid niya dahil sa hatian, mas malaki ang nawala kay Kris dahil mas malaki ang kanyang bahagi sa assets na laan para sana sa kanyang panganay. "Medyo kailangang talagang magsumikap kasi napag-usapan na 'lsquo;yung settlement, one-sided po 'lsquo;yung settlement (at) yung settlement galing sa akin. It'rsquo;s my fault wala kaming pre-nup(tial agreement). Kung meron man akong iniyak this whole thing nalugi talaga ang panganay kong anak." Dagdag pa ni Kris, "Kung ano sana (ang) para kay Josh na buong-buo, nakuhanan pa and 'lsquo;yun ang masakit."

Gayunpaman hindi raw siya nagsisisi na nagpakasal siya kay James. "How will I regret I have Bimby," rason ng Queen of All Media. "The regret (is) when my mom just said to me, 'lsquo;I only ask you one thing humingi ka ng prenup para ma-secure mo si Josh.'rsquo; It was not for any other reason. My mom'rsquo;s concern is Josh is illegitimate, Josh has special needs." Pero mananatili raw na civil at polite sila ni James sa isa'rsquo;t isa upang sa gayon ay mapalaki nila nang maayos ang kanilang anak.'nbsp; Will be civil and polite to each other. Goal to raise a good citizen in our son.