Young actress, lumaki na ang ulo pumirma lang ng kontrata!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

10/29/2010 4:19 PM
Young actress, lumaki na ang ulo pumirma lang ng kontrata!


Nakakaloka naman itong chikang nasagap ng PUSH, tungkol sa isang young sexy actress na feeling superstar na ngayon! Ayon sa mga nakaka-trabaho ng aktres, nagbago raw ito bigla ng ugali matapos pumirma ng bagong kontrata sa kanyang network. Marami na raw agad itong demands at tinatanggihang gawin, para sa kanyang show na ume-ere pa ngayon. Ayaw na raw nito magsuot ng kahit anong damit na medyo revealing. Pero according to our sources, dati rati ay wala itong kyemeng magpakita ng cleavage at legs! 'lt;p'gt;

'nbsp;

Ang mas nakaka-tumbling pa rito, ang aktres na nga ang naka-jackpot nang papirmahin siya ng kontrata eh kung tutuusin, isa siyang certified starlet! Naku, kaya hindi na tayo dapat magtaka kung one of these days, bigla na lang siyang mawalan ng kahit anong projects! So pushers, maging keen observer na sino sa mga currently visible young sexy actresses ngayon ang biglang mawawala sa eksena okay?